Linggo, Hulyo 27, 2014

Bahagi ng Aralin 1.2
                 

Ano ba ang pang-abay na pamanahon?

Pang-abay na pamanahon

            Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa. Mayroon itong tatlong uri: May pananda, Walang pananda, at  Nagsasaad ng dalas.
*Halimbawa ng may pananda ang nangsanoon,kungkapagtuwingbuhatmulaumpisa, at hanggang 
Hal. ng pangungusap na may pang-abay na pamanahon na mayroong pananda ang "Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw?".
*Ang walang pananda ay mayroong mga salitang katulad ng kahaponkanginakaninangayonmamayabukassandali, at iba pa. 
Hal. ng pangungusap na may pang-abay na pamanahon na walang pananda ang "Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino."
*Ang pang-abay na pamanahon na nagsasaad ng dalas ay mayroong mga salitang katulad ng araw-arawtuwing umagataun-taon, at iba pa.  
Hal. ng paggamit na ganito ang "Tuwing buwan ng Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng santakrusan."

Repleksyon:
      Ang aking natutunan sa araling ito ay kung papano iugnay ang pang-abay na pamanahon sa pagbuo ng pangungusap gamit ang may pananda , walang pananda , at dalas.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento