Linggo, Mayo 10, 2015

'MALIGAYANG ARAW NG MGA MAPAGMAHAL NA INA"

Alam ko kung gaano mo kami kamahal
kaya nga isinuko mo ang lahat maging ang iyong mga sariling kagustuhan
para lang maaruga mo kaming lahat. Masaya ang buhay namin dahil sa iyo!

Ang magaspang mong palad ay tand
 ng iyong kasipagan sa pag-aasikaso sa amin.
Ang iyong pawis at magulong buhok
ay tanda ng sakripisyo na iyong laan sa aming kabutihan.

Espesyal na araw na ito na para sa iyo, ikaw naman ay maupo,
magpahinga sandali at ikaw ay aming aasikasuhin.
Maligayang Araw ng ating mga Inay!


Pag-aalagang walang kapantay…
Pagmamahal na walang hinihintay na kapalit…
Pang-unawang hindi masusukat…
Maraming Salamat Sayo, Mama.
Ikaw ang number one!


Salamat sa pagpapanatili ng liwanag sa ating tahanan. Ang buhay ngating pamilya ay masaya dahil sa iyo. Ipagdiwang natin ang araw na ito!

Hindi man magara ang iyong damit,
o hindi ka man nakapustura ng todo,
wala ka mang korona o mga alalay sa tabi mo,
ikaw pa rin ang mananatili at nag-iisang Reyna ng tahanang ito!

Sa lahat ng sakripisyo…
Sa lahat ng pag-aaruga…
Sa lahat ng pagmahal…
Tunay na walang makapapantay sayo.
Maligayang araw ng mga Inay!

Huwebes, Marso 19, 2015

                        TATLONG  MASASAYANG KARANASAN BILANG BAITANG SIYAM
         
Masasayang karanasan? Marami ako niyan, di mawawala sa buhay ko ang maging masaya at maligaya. Hindi ko na patatagalin pa itong sasabihin ko, mga masasayang karanasan bilang baitang siyam:
3.Sumali kami sa paligsahan ng pagbuo ng "JINGLE" noong (Nutrition Month Division Contest) sa San Isidro National High School. 
2.Noong gumawa ako ng "recycle" na damit ni Kuya Mark Marasigan para sa dumaang Lakan at Lakambini ng kalikasan. Nagwagi at nakatulong rin ako sa "Inang Kalikasan".
1.Noong gumawa kami ng (Movie Trailer at Short Film) sa Filipino para sa aming Noli Me Tangere.
*********************
Bitin ba? Bisitahin niyo po ito palagi upang masaksihan ang mga ibabahagi ko sa inyong pangyayari at kuwento ng aking buhay. Maraming salamat hanggang sa uulitin.

                        #ANGbagongTATAHAKINniCL

Miyerkules, Marso 18, 2015

"ANG PINAGMAMALAKI KONG GURO"
                                     paumanhin po na ginamit ko po ang inyong larawan.

                Guro, apat na letra may dalawang pantig at katinig. Mapagpasensya at maalalahaning guro. Binibigyan kami ang kaalaman sa iba't ibang paraan, ang maingay naming bibig ay tatahimik. Lahat ng mali kanyang tinatama walang sinasayang na sandali, oras ay importante. Si Gng. Marvilyn B. Mixto ang guro ko sa Filipino 9 kung inaakala niyong siya ay masungit na guro. Puwes at nagkamali kayo, ang guro kong ito ay isang mabutihing ina at anak, halata pa lang sa maamo niyang mukha. Ang masasabi ko lang sa aking paboritong guro "Maraming maraming salamt po kulang po ang siyam o sampung na buwan para kami ay inyong turuan pa ng maraming kaalaman. Masayang masaya po ako dahil sa lahat po ng naging guro ko sa Filipino sa ngayon ay kayo po ang aking mas hinahangaan di lang po sa panlabas na anyo, kundi sa panloob na anyo. Maraming salamat pong muli. Patuloy ko pa rin pong i-aupdate ang aking blog. Mabuhay po kayo ng marangal at payapa. Salamat po sa lahat.
 
                                                                             #PAMAMAALAMniCL
"K - 12 MABUTI RIN NAMAN"
Christian Hil R. Arlante
K-12 papano ka ginawa? Mahirap kung tutuusin ang curriculum na ito, sinasabi ko sainyo mahirap man ito meron parin itong mabuting naidudulot. Tulad ng pagsasanay mo bilang marunong maki-sama, makipag-kaibigan, at matuto ng mabubuting asal. Sa pamamagitan ng maayos at masayang paraan na ika-uunlad ng bansa. Kung iisipin nating mabuti ang lahat ng itnuturo sa curriculum na ito  ay maisasakatuparan lamang kung may tiyak kang misyon sa buhay. Dahil dito masasabi ko na ang mainam na kasagutan sa tanong na "ANO ANG MASASABI MO SA K-12 CURRICULUM BILANG KAUNA-UNAHANG NAABUTAN NITO?. Isang simpleng sagot, ang MANGUNA SA KAALAMAN, ang lahat ng leksyon sa buhay ay may paunang kaalaman. Mabuti man o masama ang dulot nito sa atin, maganda pa ang may laging alam. "K-12 DAPAT IPAGPATULOY , LAHAT AY AAYON SA DALOY KUNG ANG LAHAT AY MAGBABAGO."

#OPINYONniCL
IKA-SAMPUNG ARAW SA IKA-APAT NA MARKAHAN     03/19/15
        Ito na ba ang huli? Oo ito na nga :(, nakakalungkot isipin diba? Ang masasabi ko lang sa linggong ito ay paalam at maraming maraming salamat. Ito man ang huli kong linggo bilang baitang siyam, di parin matitigil ang aking pagbisita at pag-update sayo. Paalam  pinaka mamahal na blogger, hanggang sa muli :").
                                                                                     
                                                                  Nagmamahal na kaibigan,
                                                                  Christian Hil Roxas Arlante

Sabado, Marso 14, 2015

                                                     ANG TAKDANG ARALIN
                                              BUMUO NG MAIKLING KWENTO


                                                          PANGKATANG GAWAIN
                                                              BUMUO NG POSTER
IKA-SIYAM NA LINGGO SA IKA-APAT NA MARKAHAN  03/14/15
        Sumakit ang ulo ko, alam niyo kung bakit? Sa dalawang araw na pagsusulit namin sa walong asignatura ay sumabog na ang aking ulo sa kakaisip at pag-unawa ko sa bawat bilang na aming napagdadaanan. Lalo na sa asignaturang matematika. Ano ba ito napunta na tayo sa usaping pagsusulit, tumungo naman tayo sa asignaturang Filipino. Alam niyo ba ang naging pala isipan sa isip ko ang mga katangian ni Maria Clara sa panahong inilarawan siya sa N.M.T. na mahinang babae ay kung bakit simbolo siya ng dalagang Pilipina o mga kababaihan sa Pilipinas kung siya naman ay mahinang babae? Sa panahon ngayon ang isang babae makikita na ang kanilang katangian ay lumayo sa panahon noon. Naging mas matapang at lumaban. Nabigyan sila ng pagkakataon na maging malayang tao sa lipinan. Umayon ang lahat ng si Lea Salonga ay naging tanyag sa larangan ng pag-awit na naging daan ng pagbabago ng pagtingin sa kababaihan. Binigyang diin sa linggong ito ang mga gawaing nagpadama sa amin ng katangian ni Maria Clara katulad ng papano mapapatunayan ang tunay na pag-ibig sa pamamagitan ng pagbuo ng poster, awit, tula, at slogan. Nabahagi ko rin ang aking buhay pagdating sa aking pamilya di man kasing ganda ng inaakala ninyo pero mahal namin ang isa't isa. Mabuhay Pilipinas at ang ating mga kababaihan. Bago ko tapusin ang pagsusulat nito, binigyan rin kami ng mga takdang aralin ng aming guro. Yun po lamang, hanggang sa muli.
                                         
                                                      Nagmamahal na kaibigan,
                                                      Christian Hil Roxas Arlante

Linggo, Marso 8, 2015

IKA-WALONG LINGGO SA IKA_APAT NA MARKAHAN     03/08/15
       Sa pagtatagpong ito at usap-usapin na ang lahat ng kababaihan ay may pagkakaiba sa mga iba't ibang larangan. Katulad ni Maria Clara, siya ang dalagang kasintahan ni Ibarra. Kung ating tatanungin ang iba pang kabataan na napag-aralan si Maria Clara ang una nilang sasabihing katangian nito ay maganda,mahinhin,at mayaman. Sa ubod niya ng kagandahan merong natatagong kakaibang lihim na hindi rin alam ni Maria Clara, gusto niyo bang malaman kung ano?. Siya lang naman ang anak ni Padre Damaso. Gulat kayo noh? Yung totoo? OO! anak nga ni Padre Damaso si Maria Clara. Sa pagkakataong iyon walang kaalam alam si Maria Clara na ang kanyang ama pala ay si Padre Damaso at hindi si Kapitan Tiyago. Masakit kung malalaman pa ito ni Maria Clara dahil masasabi nating ayaw niya rin dito at kaaway din ni Ibarra.
       Si Sisa, mahirap,pan*it,du*yutin. Pero kahit anong sabihin nating masama patungkol sa kanya ay hindi pa rin maalis sa kanya ang mabuting ina at asawa.
                                               
                                                        Nagmamahal na kaibigan,
                                                        Christian Hil Arlante
 IKA-PITONG LINGGO SA IKA-APAT NA MARKAHAN            03/08/15
             Sa buong buhay ko natutuwa akong isipin na ang lahat ng bagay ay may kaugnayan sa isa't isa. Di man sagrado ang mga pananaw natin sa buhay, meron naman tayong istilo sa pagtuklas nito. Noong sinimulan namin ang mga aralin na may kaugnayan kay ELIAS napagtanto ko na simula sa sapul inintindi lamang ni Elias ang mga bagay-bagay na magbibigay kaayusan sa lahat di man sa kanyang pag-ibig pero sa kanyang mahal na bayan. Papano naman niya iibigin si SALOME kung di pa ayus ang lahat sa bayan ng SAN DIEGO, kung ang lahat ng masasama ay nangingibabaw parin. Tama nga lang talaga na pinapunta ni Elias si Salome sa Mindoro at malayo sa gulo na kasama siya. Gusto ni Elias na maisaayos niya muna ang lahat kasama si Ibarra bago niya mahalin si Salome pero hindi iyon ang tunay na ipinahiwatig ni Jose Rizal. Di niya binigyang laya ang mga tauhan katulad ni Elias na makapamuhay ng malaya kasama ang kanilang mahal sa buhay pagkatapos ng gulo sa kani-kanilang buhay. Kung ako ang masusunod, bibigyan ko ng laya ang tauhan sa pagdikta ng kanilang kapalaran na nagsasabi na walang imposible sa kanilang buhay hangga't may pananalig sila Poong Maykapal.
                             
                                                Nagmamahal na kaibigan,
                                                Christian Hil Arlante

Linggo, Pebrero 22, 2015

IKA-ANIM NA LINGGO SA IKA-APAT NA MARKAHAN       02/22/15
          Alam ko na gustong isigaw ni Crisostomo Ibarra na mahal na mahal niya ang kanyang ama, ina, kasintahan, at kanyang bayan. Isisigaw niya yun kung ngayong panahon siya pinanganak at ganun parin ang kanyang layunin. Sa kada linggong pagsulat ko sa blog na ito na isip ko bang maging mapagmahal sa bayan?, sa tinta ng ink ng kompyuter naging makabayan ba ko?. Para masabi ko kung anong nararamdaman ni Ibarra kung anong pinagdaanan niya mabawi lang ang pagkakakilanlan ng totoong puso ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol. Tingin ko OO naging makabayan ako dahil sa linggong ito nagkaroon kami ng pangkatang gawain, ang tema ng aming iuulat ay mga hangarin at banta sa buhay ni Ibarra. Naging maayos naman ang aming paguulat, di katulad ng pangkat dalawa, isa sa kanilang miyembro ang ginawang di seryoso ang pagdudula ng kanyang ginagaya. Binigay rin na katungan ng aming guro kung si Ibarra ba ay biktima ng pagkakataon sa pag-ibig at iba pang dahilan. Pagkatapos ay ipinanood sa'amin ang aming natapos na produkto na movie trailer ayos naman ngunit ang pinaka umangat ang kapanapanabik na trailer ng pangkat 3. Nakakatuwang isipin na natapos namin ang linggong ito na masaya at may pagmamahal. Yun lamang at maraming salamat hanggang sa muli.
                                                                  Nagmamahal na kaibigan,
                                                                  Christian Hil Arlante

Biyernes, Pebrero 13, 2015

IKA-LIMANG LINGGO SA IKA-APAT NA MARKAHAN           02/14/15
         Magandang buhay!, ngayong peb-ibig gusto kong itangi ang aking puso sa pamilya kong nagmamahal sakin at mga kaibigang handang damayan ako sa anumang pagsubok ang dumaan. Alam niyo ba na ngayon lang ako ng nakaramdam ng ganitong pakiramdam, di naman sa kauna-unahang pagtibok ng aking puso kundi ang makaranas ng pagmamahal na di mo inaasahan. Ayoko ng ikwento pa masyadong nakakasakit ng puso, Hahaha! masaya talaga ang linggo ito para sa,akin. Tinalakay namin ang mga iba't ibang kaganapan sa buhay ni Crisostomo Ibarra sa N.M.T., at dahil doon binigyan kami ng gawain patungkol sa mahahalagang pangyayari sa tauhan kay Ibarra at ano ang dahilan kung bakit ito mahalaga. Napagtagumpayan rin namin itong tapusin. At bago pumatak ang disperas ng araw ng mga puso kami ay pinagdala ng mga kagamitan sa paggawa ng kard para sa'aming minamahal at gumawa rin kami ng tula ng may 16 na taludtod na may kaugnay sa pag-ibig. Kahit ako nabigla rin sa nagawa ko, di man patungkol sa magkaibang kasarian. Ang ginawa ko kasi ay kung ano ang sinasabi ng aking puso. OH DIBA !! pwede na ? biro lang. Sa totoo lang ang inalayan ko ng aking tula ay yung taong hinahangaan ko. Gusto mo bang malaman? Hahaha wag na muna. May takdang panahon para diyan, kaya magpapaalam muna ko. Sige paalam! sa susunod muli.
                                            
                                                                             Nagmamahal na kaibigan,
                                                                             Christian Hil Arlante 

Sabado, Pebrero 7, 2015

 IKA-APAT NA LINGGO SA IKA-APAT NA MARKAHAN              02/08/15
             Kamusta ? Natapos na naman ang isang linggong kay saya sa asignaturang Filipino 9. Sa pagaaral namin sa nobelang Noli me tangere ay naging mas kapanapanbik ang mga pangyayari sa bawat kabanata. Nagkaroon ng parade of characters ng NMT kung saan kaylangan mong isabuhay ang katangian ng  iyong pipiliin. Ang aking napili ay si Kapitan Tiyago, alam mo kung bakit?. Dahil sa katangian niyang taglay ay umugnay ang aking pagkatao sa pangyayari ng buhay niya. Parehas kaming may pagkamasungit na mabait, parehas rin kaming sunod-sunuran sa aming mga nagiging kasangga sa anumang laban. Di man ako mataba katulad ni Kapitan Tyago, meron naman akong pagkakahawig sa itsura niya. Alam ko mahirap paniwalaan pero kung susuriin nyo ang aking mukha kung may pagkakahawig ba? Wag na! Masyadong seryoso. hehehe. Ngayong linggo ring ito ay nakapag-ulat na kami ng pangkat isa sa bawat kabanatang binigay sa'amin ni Gng. Mixto. Ang mga kabanatang ito ay 1,2,3,4,5,7,9,at 10 bilang lider ng aming pangkat ay inatasan ko sila kung ano ang kabantang gagawin at iuulat nila kinabukasan. Naging maayos naman ang aming paguulat. Sa susunod na linggo ay magbibigay ng pagsusulit ang aming guro, at sana ay makapasa ako. Babasahin ko ng babasahin ang mga kabanatang binigay sa'amin ng aming guro.
                                                                   
                                                                                    Nagmamahal na kaibigan,
                                                                                    Christian Hil Arlante

Sabado, Enero 31, 2015

IKATLONG LINGGO SA IKA-APAT NA MARKAHAN                    01/31/15

Mahal kong kaibigan,
          Aaminin ko, nabigla ako sa mga tauhan ng N.M.T. dahil sa totoo lang ang magbasa ng mga tauhan ay hindi ganoon kadali, sapagkat kailangan mo pa itong bigyan ng lalim na eksplenasyon na magbibigay kahulugan sa katangian ng mga tauhan. Sa pagdami  ng aking nalaman tungkol sa mga tauhan ay mas naging kapanapanabik ang takbo ng istorya sa N.M.T. Kung ako mismo ang gaganap sa nobela ang pipiliin ko ay si Pilosopong Tasyo, alam mo kong bakit? eh di tara basahin natin ang nobela. Bilang istudyante kailangan tuwing tayo ay gagawa ng kwento katulad ng nobela sa pagpili ng tauhan dapat naiuugnay natin ang katangian ng gumaganap sa ating totoong buhay, tulad ni Rizal ginamit niya sa kanyang nobela ang mga taong naging kaugnay ng karanasan nito sa kamay ng mga Kastila. At napagtanto ko bago matapos ang linggo na ito na sa pagbabasa ng mga kabanata sa nobelang Noli Me tangere ang lubos na nakakagalak sa pagbuo ng katangian ng isang tauhan sa kwento. Kakabit nito ang isang maganda at may saysay na kwento na maaaring magpabago ng pananaw ng mga taong makakabasa ng iyong nobela. Lahat ng katangian ng iyong mga kaibigan o kakilala ay pwede mong magamit sa pagbuo ng isang masining na kwento.

                                                                             Nagmamahal na kaibigan,
                                                                             Christian Hil Arlante

Linggo, Enero 25, 2015

IKALAWANG LINGGO SA IKA-APAT NA MARKAHAN                      01/24/15


Mahal kong kaibigan,
               Sa panimula naming pag-aaral sa noli me tangere. Naunawaan ko ang isang bagay na nagpabago sa kasaysayan ng pilipinas, ito ay kung ano ang dahilan bakit sinakop ng Español ang Pilipinas. Ginamit ni Jose P. Rizal ang panulat para maging sandata sa pakikipaglaban sa makapangyarihang Español dahil sa pakikipagsapalaran ni Rizal bagama't sinakripisyo niya ang kanyang sarili sa isang madugong rebolusyon na nagbigay liwanag sa madilim na mundo ng mga pilipino sa kamay ng mapagsamantalang Español. Inihalintulad ng Ina ni Rizal ang magiging buhay nito kapag nakipag laban siya sa mga Español. Hindi niya dapat gamitin ang kanyang talinosa pakikipagtunggali sa mga kalaban. Noong bata si Rizal, pinapanood niya ang isang gamo-gamo na umiikot ito sa kandilang umaapoy habang siya ay nakikinig sa kwentong pangaral ng kanyang Ina. Sabay na namatay ang gamo-gamo sa kwento ng Ina ni Rizal at ang kanyang pinapanood na gamo-gamo sa paglapit nito sa apoy at nilamon ng apoy ang pakpak nito. Ganun din ang naging kapalaran ni Rizal ng makipag laban siya sa mga kalabang Español. Maganda ang naging pangaral ng Ina ni Rizal ngunit nanaig ang pagmamahal ni Rizal sa bayang kanyang sinilangan.
              Natutunanko sa buhay na walang magulang ang gustong masaktan ang mga anak. Kaya sa lahat ng anak na katulad ko, gusto kong iparating sainyo na makinig tayo sa ating mga MAGULANG. Iba ang pangaral ng magulang, magiging mabuti ang kinabukasan ng mga anak kung ang lahat ng kabataan ay may pagmamahal sa kanilang magulang.
              Sa pagde-debate namin noong biyernes( Enero 23, 2015 ) nailahad namin ang aming
saloobin sa pag tanong na "DAPAT BA O HINDI DAPAT GINAMIT NI RIZAL ANG PANULAT SA PAGKAMIT NG KALAYAAN NG PILIPINAS". Napunta sa aming grupo ang HINDI DAPAT.. kung ako ang natawag, ito ang aking sasabihin "HINDI DAPAT!, dahil magiging hudyat ito ng sobrang pagkamuhi ng Español sa mga Pilipino lalo na kay Rizal. At magiging daan ito sa pagkamatay ni Rizal sa kamay ng mga mananakop na Español.

                                                                                                           Nagmamahal na kaibigan,

                                                                                                           Christian Hil Arlante

UNANG LINGGO SA IKA-APAT NA MARKAHAN                              01/17/15

                 Sa pagpasok ng Enero, lubha akong nasiyahan sa aking nalaman. Alam mo bang pagkatapos naming ipasa kay Gng. Mixto ang aming movie trailer ay sinalubong kami ng panibagong produkto para sa ika-apat na markahan. Ito ay patungkol sa Noli Me Tangere kung saan ay bubuo kami ng isa pang movie trailer at short film na aming kukunin sa mga kabanatang ibinigay sa'amin ni Gng. Mixto. Kabilang sa kanyang mga sinabi niya ay ang kabanata 6,34,54, at 60. Sa pagkakataon na iyon ay nagbalik aral kami patungkol sa sanaysay alam niyo ba na sa pagsulat ng sanaysay mahalagang malaman ang pamaksang pangungusap at pantulong na pangungusap. Ang pamaksang pangungusap makikita ang pangunahing ideya.Saan mang bahagi ng talata makikita ito. Ang pantulong na pangungusap ang nagbibigay detalye sa pamaksang pangungusap. Huling pinag-usapan ang pangngtwiran. Ito ay paraan ng pagbibigay diin sa isang pahayag. May dalawang uri ng pangangatwiran: pangangatwirang pabuod at pangangatwirang pasaklaw. Ito rin  ay tuluyang kathain na naglalahad ng kaalaman, kuro-kuro o damdamin. Mayroon itong tatlong elemento: paksa, tono, at kaisipan. Makikita sa tono ang apatna uri ng teksto: ang informativ, narativ, persuweysiv, at argumentativ. Bahagi ng talakayan ang mga halimbawa ng dokumentaryo na sanaysay. Ang  lahat ng ito ay may kinalaman sa paraan ng pagsulat ng isang makapangatwiranang sanaysay. Sa bagong aralin namin ngayon ay buo kong ibibigay ang aking makakaya para maisabuhay ko ang nobelang NOLI ME TANGERE.
                                                                                              Nagmamahal na kaibigan,
                                                                      Christian Hil Arlante

Sabado, Enero 10, 2015

"PAALAM IKATLONG MARKAHAN,
MAGANDANG SALUBONG IKA-APAT NA MARKAHAN"

Biyernes, Enero 9, 2015

IKALIMANG MARKAHAN SA IKATLONG MARKAHAN :)
         
        Sa mga aming pinag-aralan ay hindi matatawaran ang mga ligaya at sa 
bawat ligaya na aming nararamdaman  tuwing kami ay nag aaral sa Filipino9 
kasama si Gng. Mixto. Ngayong linggoNgayong linggong ito,napagtanto ko sa 
elehiya para sa kamatayan ni kuya na bagmat natalakay na namin noong 
nakaraang linggo na dapat mong pahalagahan at ipadama ang pagmamahal mo  
sa iyong minamahal sa buhay.Hindi natin alam kung kailan sila mawawala kaya 
habang sila ay nabubuhay pa ipadama mo na ang pagmamahal mo.Kapag hindi 
mo ito pinadama ngayon baka pagsisihan mo pa ito sa buong buhay mo.
IKA-APAT NA LINGGO SA IKATLONG MARKAHAN:)

              Sa linggong ito ay isang relihiyosong linggo at mabuting aral mula sa mga hayop sapagkat ang aming tinalakay ay tungkol sa PARABULA at PABULA, Ngayong linggong ito,tinalakay namin ang parabula.Ang parabula na isang maikling kwento na kadalasang hinahango mula sa Bibliya.Karamihan sa mga talinghaga o parabula ay mga kwentong sinabi ni Hesus na nagbibigay ng relihiyosong aral.Ang pabula at parabula ay magkaiba dahil ang tauhan ng mga pabula ay puro hayop.
IKATLONG LINGGONG SA IKATLONG MARKAHAN :)

              Sa buong linggong ito, tinalakay namin ang mga araling sumasalamin sa aming oang araw-araw.Ito ay tungkol sa mga talinghaga at parabula na mga akda, isa sa binasa namin na akda ay tungkol sa bibliya kinuha sapagkat ang parabula at talinghaga ay uri ng kwento na may moral na aral sa huli.Binigay sa amin ng aming guro ang dapat na hanapin na parabula at ito ay tungkol sa mateo 20 1:16 na tumutukoy sa panginoon at ang mga tao dahil kung palalawakin ito ay tungkol talaga sa mga nakaraang kaganapan sa bansang israel. Masaya sakatunayan ang araling ito dahil matuto ka na gumawa  ng tula na mag bibigay ligaya at inpirasyon sa pagkatao mo at ng ibang nilalang mundo.
PANGALAWANG LINGGO SA IKATLONG MARKAHAN :)

          Lubos akong natuwa sa mga aral na aking natutunan ngayong linggo ,ang mga uri ng paghahambing ang aming pinag aralan.Natutunan ko ang mga uri ng paghahambing at kung paano ito gamitin ayon sa kinabibilangang uri nito.Mayroong dalawang uri ng paghahambing, ito ay ang magkatulad at di magkatulad.Ginagamit ang magkatulad na paghahambing kung pinghahambing ang dalawang patas na katangian , halimbawa ay maganda, maaring gamitin ang
sing,magkasing ,hawig at kung ano ano pa.Samantalang kung gagamitin naman ang di magkatulad na paghahambing ,kailangan ay mayroong isang nakakaangat at ang isa naman ang hinahambing.Halimbawa ang isa ay ihahambing mo sa mas nakakaangat sa kanya kailangan mong gumamit ng katulad ng di gasino ,mas ,higit,at kung ano pa.
UNANG LINGGO SA IKATLONG MARKAHAN : )

                  Sa linggong ito madami ako natutunan at napagaralan Ngayong linggong ito,tinalakay ni Ginang Mixto kung paano gumawa ng movie trailer.Nagbahagi ng ilang halimbawa si Ginang Mixto kaugnay sa aming tinalakay.Natutunan ko ang ibat-ibang paraan at dapat gawin sa paggawa nito na magiging proyekto namin ngayong markahan.    Tinalakay rin namin ang aralin para sa unang aralin ngunit bago ito simulan nagsagawa muna kami ng gawain kung saan kailangan naming masagutan ang tinutukoy nito.     Matapos kong mabasa ang Rama at Sita (Isang Kabanata),nalaman ko ang pilosopiya ng bansang India na kung saan pumapaksa sa kagandahan,talino at katotohanan.Natutunan ko rin  na kahit ano mang problema o tukso man ang dumating kaya nitong malampasan bastat mahal nyo ang isat-isa.