Martes, Oktubre 28, 2014

Mga Repleksyon...

ANG REPLEKSYON NG AKING BUHAY 

SA ASIGNATURANG FILIPINO^___^


#1REPLEKSYON: Haiku at Tanka

 

Sa paggawa ng haiku at tanka , naintindihan at napaisip ako kung ano ang kanilang 
pinagkaiba. Ang haiku ay base sa kapaligiran at ang tanka ay base sa pag-ibig, pagmamahalan o buhay ng tao. Ito ay isang panitikang pang pilipino na naimpluwensyahan ng hapon noong unang panahon. Naisabuhay natin ito ay ating ginamit.



#2REPLEKSYON: Ponemang Suprasegmental
 

Sa araling ito, ang aking natutunan ay kung papano gumamit ng mga pagbigkas ng mahaba, lakas ng pagbigkas, linaw ng mensahe at pagtigil ng sandali sa pagsasalita. At dahil sa pamamagitan nito ay malalaman natin ang mga mensahe na gustong iparating sa ating mga kinakausap at kung anong emosyon ang nakapaloob sa pangungusap na iyon.


#3REPLEKSYON: MODAL

 

SA araling ito, ang natutunan ko ay paggamit sa pagpapahayag ng kagustuhan ,posibilidad, kakayahan, pahintulot at obligasyon. Sa paggamit ng pangungusap , di natin namamalayan ay nakakagamit na tayo ng mga modal na bumubuo sa pangaraw-araw nating komunikasyon.


#4REPLEKSYON: Paraan ng pagsulat ng PABULA.

 

Kaylangan natin tandaan ang mga hakbang sa pagbuo ng Pabula upang lumabad sa ating gawa ang makabuluhang pabula na magiging aral sa bawat mambabasa at makatulong sa kabataan na maiwasto ang tama at mali.


#5REPLEKSYON: Pagpapalawak ng pangungusap
 

Sa araling ito, naunawaan ko kung papano gamitin ang paningit, panuring, at pamuno na nagpapalawak ng pangungusap. Panaguri at paksa ang karaniwang bahagi ng pangungusap. Ngunit maaari panghatiin ang mga ito sa maliliit na bahagi at dahil sa bahaging ito. Napapalawak natin ang bawat pangungusap na ating ginagamit.



#6REPLEKSYON: Sanaysay at Editoryal
 

Sa pagsulat ng sanaysay at editoryal, tinandaan ko ang sinabi ni Alejandro G. Abadilla na "isa itong nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay. Ito ay isang bahagi ng panitikan ng pilipino na nakakatulong sa atin na maipahayag ang ating opinyon at pananaw. Isa rin iyo sa nagpapagising sa puso't damdamin ng bawat tao na nakakabasa nito.


#7REPLEKSYON: Elemento ng Dula

 

Sa aking pakikinig ang 5 elemento ng dula na kinakaylangan sa bawat pagtatanghal ay aking isinabuhay. At aking nalaman ang dula ay binabase sa buhay ng tao, na nagbibigay araw at aliw sa mga manonoo nito. Ito ay isa sa mga paborito kong panitikan ng pilipino.


#8REPLEKSYON: Cohesive Devices

 

Ang aking natutunan sa araling ito ay ang pagbigkas ng malinaw at magandang pakinggang basahin ang isamg kwento. Ang cohesive device ay nakakatulong sa mambabasa na mas lalong mIntindihan ang sinasabi sa kwento. Sa bawat pagbigkas ng salita ay maririnig mo ang maayos na tunog ng bawat salita kahit gamitin ito sa isamg tula. Nakakatulong rin ito sa panitikan ng bawat pilipino.


******••••••******

REPLEKSYON SA IKALAWANG MARKAHAN

 

Sa pag-ikot namin sa silangang asya, aking naunawaan ang mga kultura at tradisyon na ginamapanan ng bawat bansa. Noon at Ngayon, ipinakita nila ang pagusbong ng panitikan na humubog sa buong bansa at karatig bansa na naging impluwensya ng karamihan.

............................................

MARAMING SALAMAT !!!!

Linggo, Oktubre 26, 2014

"PAALAM PANGALAWANG MARKAHAN,                  KAMUSTA IKATLONG MARKAHAN"

                                          Ginoong Sayantipiko
                                                        ni Christian Hil Arlante
                                                                                        
Janjuai Agoncillo 
                         Si Ginoong Janjuai Agoncillo ay aming kaibigan, di mawawala sa mga oras na kaylangan mo siya. tawagin mo lang ang kanyang matamis na pangalan sigurado'y ikaw ay kanyang papansinin. Siya ang ginoong nangunguna sa asignaturang agham, sakanya kami kumakapit kapag di namin alam ang ibigsabihin ng mga tanong na nakakalito. Ganito kabait si Ginoong Janjuai Agoncillo na tatawagin nating "GINOONG SAYANTIPIKO". Gaya ng mga kalalakihan marunong din siyang umawit at gumuhit na nakakabilib talaga tignan at pakinggan. Marami rin sa aming kaklase ang lihim na nagkakagusto sa kanya, tulad ko at ni C*M*L** _*^R. Sa mga panahong kaylangan ko ang tulong ni Ginoong Sayantipiko ay agad naman ito sasagot at tutulong. Sa larong League of legends, dito kami nagkakasundo dahil palagi namin itong nilalaro at kinahihiligan. Sa lahat ng aking kaklase isa sa kanila ang pinaka umangat sa akin, ito ang yung kinukwento ko kanina pa sa itaas. Siya ang katabi ko tuwing wala si Marian Badilla. Ang mga katangiang nabanggit ko sa itaas kanina ay isa o dalawa lamang sa pinaka mabuting ugali ni Ginoong Sayantipiko. Halos lahat na aking kaklase ay napaka buti din sakanya, dahil wala pa siyang napapaiyak o nasigawan man lang na aming kaklase na nagalit sakanya. Kaya nga wala na kong masabi sa kanya, ayan lamang dahil di ko na mabilang ang lahat ng mabubuting dulot niya sa'akin. Iyon lamang ang aking mumunting regalo sa nagdiwang ng kaarawan noong Oktobre 24, 2014 na si Ginoong Janjuai "Sayantipiko" Agoncillo. 
                          Salamat sa pagbabasa. :)

Huwebes, Oktubre 23, 2014

                                                     GURO KO, INSPIRASYON KO
                                                           ni Christian Hil Arlante

                  
                   Inspirasyon, ano nga ba ang ibig sabihin ng inspirasyon? Para sa akin ito ang salitang napaka lalim ang ibig sabihin dahil ang inspirasyon k0 sa guro ko ay di matatawaran dahil sila ang tumatayong pangalawang magulang namin sa paaralan. Kaya, gusto kong magpasalamat sa lahat ng inyong naituro mahal kong mga guro. 
                  Kadalasan ang guro ngayon, dahil sa kanilang walang hanggang kapaguran sa pagtuturo, dahil sa pagtitiyaga na magturo sa kabila ng mga maiingay na estudyante. Tinitiis nila ang maghapong at pabago bagong panahon para lamang kami ay maturuan.
                  Sa lahat ng mga katangian ng guro, pagiging mapagpasenya at pagiging mapang-unawa ang pinaka epektibong katangian ng isang guro, sapagkat kung walang pang-unawa ang isang guro sa kanyang estudyante, lalo lang siyang hindi maiintindihan ng estudyante, at ito ang katangian ng aming mga guro na naging inspirasyon namin sa Mambugan National High School. Mga guro na walang pakialam sa sahod ang nais lang ay maturuan ang kanyang mga estudyante kung papaano maging isang tunay na mag-aaral na hindi dapat pinapaikot ang utak sa grado kundi ilagay sa utak o isip at puso ang tunay na kahalagahan ng edukasyon.
                Kaya salamat, salamat sa aking guro bilang inspirasyon.
NIYEBENG ITIM
ni  LiuHeng
                   Paparating na ang bisperas ng Bagong Taon. Nagpakuha ng litrato si Li Huiquan sa Red Palace Photo Studio, isang bagay na ayaw na ayaw niyang gawin, dahil pakiramdam niya, lalo pa siyang pinapapangit ng kamera. Sinabihan na siya ni Tiya Luo na sapat na ang apat na piraso, ngunit nag-order siya ng labinlima. Nagulat ang klerk. “Kinse?”“Kinse nga.” “Hindi kami siguradong maganda pa rin ang litrato kapag ganoon karami.” “Gusto ko sabi ng kinse!”May pagkainis na sa kanyang boses at iyon lamang ang magagawa niya para mapigilan ang sarili na suntukin ang pangang iyon. Nag-order siya ng kinse para hindi na siya bumalik pa sa susunod at ikinabuwisit niya ang ituring na kahangalan ang ganito. Nang bumalik siya para kunin ang litrato, mas kabado siya kaysa nang kunin niya ang mga abo ng kanyang ina sa crematorium. Tumalikod siya at lumakad papalayo dala ang balutang papel nang hindi pa muna sinusuri ang litrato, at nang nag-iisa na lamang, dinukot niya ang laman . Labinlimang magkakatulad na litrato ang hawak niya, bawat isa ay nakatitig sa kanya nang may pare-parehong hitsura. Sa kabuuan, mas maayos ang kinalabasan kaysa kanyang inaasahan. Parang mas manipis ang kaniyang labi dahil nakatikom, nakatitig ang mga mata niya. Hindi mo masasabing pangit. Sa katunayan, mas guwapo siya kaysa sa maraming tao. Wala siyang reklamo. Dinala siya ni Tiya Luo sa komite sa kalye kung saan pinagpasa-pasahan sila. Nakipag-usap sila sa iba’t ibang tao hanggang sa isang may katandaang opisyal ang nagbigay rin sa kanya ng lisensya para sa kariton. Hindi naaprobahan ang kanyang aplikasyon para sa lisensya sa pagtitinda ng prutas dahil puno na ang kota. Ang mga kontak ni Tiya Luo ay hindi makatulong o ayaw nang tumulong. Mayroon na lamang lisensya para sa tindahan ng damit, sombrero at sapatos. Wala nang pakialam si Huiquan kung anuman ang maaaring itinda. Ang mahalaga, mayroon siyang magawa. Nabalitaan niyang mas madali ang pagtitinda ng prutas, mas mabilis ang kita; mas mabagal naman sa damit, at mas mababa pa ang tubo. Nabalitaan din niyang kailangan niya ng maayos na tindahan o koneksiyong blackmarket para talaga mapatakbo ito. Ngunit handa siyang sumubok. Kailangangpalakasin niya ang kanyang utak, at di matatakot magtrabaho, maaayos ang lahat. Kahit maliit ang kikitain niya, hindi naman liliit pa iyon sa natatanggap niya bilang ulila, hindi ba? Bahala na. Paglabas nila mula sa compound ng gobyerno, nakabangga nila ang isang matabang mama na tinawag ni Tiya Luo na Hepeng Li. Sabi ni Tiya Luo kay Huiquan na tawagin itong Tiyo Li. Walang ideya si Huiquan kung hepe ito ng ano at kaninong tiyo ito, ngunit naaalala niya rito ang matatabang sumo wrestler ng Hapon. “Hindi ka ba magpapasalamat kay Tiyo Li sa lahat ng tulong niya?”Magalang na yumuko si Huiquan, isang ugaling natutunan niya sa kampo.Kailangang yumuko ang mga bilanggo sa lahat ng guwardya, inspektor, at tagamasid na nakikipag-usap sa kanila o nakatingin man lang sa kanila- iyon ang pagsasanay. Ginagawa na niya iyon dahil nakasanayan na. Ngunit halos di siya napansin ng mama -- tila ito isang lalaking tumitingin ng kung anong paninda. Pakiramdam ni Huiquan ay isa siyang basurahan o isang pirasong basahan na nais magtago sa isang butas. “Ito ba siya?” tanong ng matabang mama kay Tiya Luo. “Mabait siyang bata, tulad ng sabi ko. Tingnan mo’t namumula na siya.”Napatawa ang mama habang itinuon ang tingin kay Huiquan. “Alam mo ba kung paano ka nakakuha ng lisensya gayong maraming retirado at walang trabaho ang di-makakuha?” “Dahil … dahil kailangan ko ng trabaho?” “Iyon lang ba?” mapanlibak ang ngisi ng mataba. “Dahil isa akong ulila?” “Kinakalinga ka ng pamahalaan; tiyak kong alam mo iyan. Huwag kang manggugulo at huwag kang sakim… nagkamali ka na. Kalimutan mo na iyon, dahil kapag umulit ka, wala nang tutulong sa iyo.” “Gagawin ko anuman ang ipag-utos ng pamahalaan.” Isa na naman sa maraming islogan sa kampo. Nakabilanggo pa rin ang kaniyang isip at damdamin kahit pinalaya na siya sa kampo. Kahit si Tiya Luo ay tumangu-tango. Saan man siya magpunta, laging may nagsasabi sa kaniya kung ano ang dapat at di-dapat gawin; sa pagtingin sa kanya nang mababa, umaangat ang kanilang sarili. Namalagi siya sa bilangguan. Sila ay hindi at nararamdaman niya na ang mga babala, panlalait, at paalala ay para lang sa kaniya; gamitin ang ihian, walang dudura, bawal pumasok, limang yuan na multa - lahat ay patungkol sa kaniya at tanging sa kanya lamang. Habampanahon na may magpapahirap sa kaniyang buhay, magtuturo sa kaibahan niya at ng ibang tao, hihila sa kanya paibaba. Gusto niyang lumaban, pero wala siyang lakas. Kaya magpapanggap siyang tanga, umiiwas sa mga nagmamasid at nagmamatyag, Maraming taon nanaman niyang ginagawa ito. Masayang naglakad si Tiya Luo, di-pansin ang tamlay sa mukha ni Huiquan habang nakasunod ito na parang bilanggo. “Halos Bagong Taon na. Pwede kang manatili ngayong bagong taon sa amin.” “Salamat, pero maayos na po ako…” “Sa palagay ko’y matutuwa na ang ina mo. Kung buhay siya, ipapangalandakan niya -- negosyante na ang anak ko; maganda ang kinabukasan niya; hindi na siya katulad nang dati. Gusto kong pasalamatan mo ang nanay mo.” “Sige po.” “Bahala ka kung gusto mong mag-isa ngayong Bagong Taon pero hindi ibig sabihin na pwede kang uminom.” “Huwag kayong mag-alala.” “Hindi na maaga para mamili para sa Bagong Taon. Isda, manok – kung ano-ano pa. Kung hindi ka marunong magluto, pumunta ka rito at tuturuan kita. Dapat lang na maayos ang Bagong Taon mo. Pagkatapos, dapat magtrabaho na. Ayusin mo at hahanapan kita ng nobya. Ano sa palagay mo, bata?” “Kayo ang masusunod.” Ngumiti siya ngunit matamlay. Ang isang yari sa kahoy at canvass na ambi ay aabot ng sandaan o mahigit pa; kung may tatlong gulong, dagdag na tatlong daan pa mahigit. Wala nang matitira para sa paninda. Hindi pa nga nagsisimula’y kailangan na niyang humugot sa naipon ng kaniyang ina. Kinabahan siya dahil wala na itong atrasan. Isa o dalawang araw bago ang Bagong Taon, nakakita siya ng kakarag-karag at lumang tatluhang gulong na sasaksyan sa East Tsina Gate Consignment Store na 230 yuan ang halaga. Ayos ang presyo pero napakasama ng kondisyon at di-masasakyan. Mukhang maayos ang balangkas- kahit paano’y napanatili ang hugis; walang gulong, pero mapakikinabangan pa rin ang gilid at rayos ng gulong; walang kuliling , walang kadena, at walang tapakan, ngunit may preno at pedal. Hindi siya makapagpasya at pinag-isipan niya sa lahat ng anggulo. Nalibot na niya ang buong bayan. Ang mga bagong sasakyan ay nagsisimula sa apat na raan, wala naming ipinagbibiling umaandar pang segunda mano. Sa isang groseri, nakakita siya ng isang sasakyang yari sa kawayan na mukha namang matibay, ngunit parang may mali rito. Kung magtitinda siya ng damit, kakailanganin niya ang tatluhang gulong – para naman presentable. “Gusto mo nito? Para saan?”Lumapit ang klerk sa kaniya.“Kariton para sa mga damit.”“Tamang-tama. Hindi ka magsisisi. Kung poste ng telepono, o kongkreto. O iba pang katulad, hindi ko ‘to irerekomenda. Pero para lamang pala sa ilang tumpok ng damit. Di ka gagastos ng higit sa sandaan sa pag-aayos nito, at pwedeng tumagal pa ng lima, anim na taon.”“Bakit di-gumagalaw?”“Matigas ang preno. Aayusin ko.”Ibinigay ni Huiquan ang pera, at kinaladkad ang walang gulong na sasakyan mula East Tsina Gate patungong Dongsi, at mula roon, papuntang Chaoyong Gate. Dahil sa kanyang natatanging sasakyan, naging sentro siya ng atensyon, bagaman hindi naman nakapipinsala ang mga tingin sa kanya. Matapos bumili ng ilang parte sa pagawaan ng bisikleta sa labasan ng Chaoyong Gate Boulevard, tinulak niya ang kanyang sasakyan patungong East Lane ng Kalyeng Spirit Run papasok sa gate ng bilang 18. Ang berdeng bayong na nakasabit sa kalawanging hawakan ng sasakyan ay napuno ng tinimplang baka, dalawang pinakuluang manok, may yelong isda, apat na paa ng manok at isang bote ng alak – hapunan para sa Bagong Taon. Binili niya at madaling nakuha dahil ayaw na ayaw niyang nakapila at wala naman siya talagang hinahanap para sa kanyang hapunan. Mas iniintindi niya ang kaniyang sasakyan, ang kanyang bagong kaibigan, ang kaniyang tahimik na kasama.Inimbitahan siya ni Tiya Luo para maghapunan, bisperas ng Bagong Taon. Dumaan ito habang naglalagare siya ng kahoy, nakalambitin sa kaniyang bibig ang isang pirasong manok. Tumanggi na muna siya. May naamoy ang Tiya at inangat nito ang takip ng palayok. Pinalalambot ang paa ng manok sa kumukulong sabaw. Walang makikitang berde – hindi balanseng pagkain. Sira na ang manggas ng kaniyang panlamig; puno ng kusot ang kaniyang sapatos at laylayan ng pantalon; marumi at mahaba ang kaniyang buhok. Naawa si Tiya Luo sa kaniya, ngunit tumanggi pa rin si Huiquan. Ginagamit pa rin niya ang kahoy na iniwan ni Hobo, desididong gumawa ng magandang patungan para sa kaniyang sasakyan.Bumalik si Tiya Luo para imbitahan siyang manood ng TV – nakatatawang palabas at iba pang kawili-wiling programa. Hindi dapat palampasin. Ngunit umiling siya, hindi man lang tuminag sa kaniyang paglalagare.“Marami pa po akong gagawin.” “Hindi makapaghihintay kahit pagkatapos ng Bagong Taon.”“Mas gugustuhin kong patapusin ninyo ako...”“Marami namang panahon. Huwag mong tapusin agad lahat. Di ka dapat magpagod, Bagong Taon pa naman.” Sa umpisa, panaka-naka ang mga paputok, ngunit dumalas ang ingay at pagsapit ng hatinggabi, akala mo’y sasabog na ang mundo. Ibinaba ni Huiquan ang lagare at nagsalin ng alak. Matagal na pinalambutan ang paa ng manok kaya halos matanggal na sa buto ang mga laman nito. Tama naman ang pagkaluto, medyo matabang, marahil, kaya nilagyan niya ng kaunting toyo ang plato at isinawsaw niya ang laman dito, at kumain at uminom siya hanggang sa mamanhid ang kanyang panlasa. Maaaninag sa kaniyang bintana sa kaniyang likod ang pula at berdeng ilaw paminsan-minsan. Karangyaan kahit saan ka lumingon, mula sa mga taong kuntento sa kanilang buhay. Ano ang balak ng milyong taong ito ? Ano ang ipinagsasaya nila?Siguradong hindi siya kabilang sa kanila. Kung buhay si Ina, panahon iyon ng pagbabalot ng dumpling, iyong maliliit na pagkaing pumuputok sa bibig na parang kendi. Gustung-gusto niya iyon. Sa unang Bagong Taon niya sa kampo, pitumpu’t anim ang nakain niya sa isang upuan, hanggang sa mabusog siya nang sobra’t hindi na siya halos makaupo, at ginugol niya ang buong hapon sa paglalakad sa laruan. Gayunman, kahit ang alaalang ito ay hindi nakapagpasaya sa kaniya. Malagkit ang mga kamay niya dahil sa pinalambutang paa ng manok at sapin ng malagkit na baboy, at nahihilo na siya dahil sa alak.Lumabas siya at tumayo sandali sa bakuran. Walang lamig, walang hangin. Makulay ang langit; maraming paputok sa lahat ng dako. Ang bakuran, na may mahigit sa pito o walong talampakan ang luwang, ay tulad ng balon sa ilalim ng kumikinang na bughaw na langit. Isang stereo ang bumubuga ng awit, iyong tunog na di-maintindihan. Naiisip niyang mataba at pangit ang mang-aawit. Nakapanood na siya ng ganito sa TV – magagandang boses at ngiti ngunit pangit ang hitsura nila. Kumikisay sila sa iskrin, ang mga kilos ay nagpapatingkad lamang sa kanilang kapangitan at ang mga awit nila ay ginagawang mga sigaw at halinghing. Magagandang babae lamang dapat ang ipinakikita sa TV, subalit maaaring nagkukulang na ng suplay. Bagaman lumalayo na si Huiquan sa mga babae, sumasagi pa rin sa isip niya ang imahen ng magagandang dalaga. Wala sa mga ito ang kilala niya dahil labo-labo na ang mga ito sa kanyang utak – malalabong imahen na ang intensyon ay malinaw at tiyak. May mga panahon, natatanging panahon, kung kailan pinapangarap niyang mapasasayaw niya sa kaniyang isip ang mga imahen. Ngunit sa totoong mundo man o sa mundo ng ilusyon ay hindi niya mapasunod ang mga ito. Walang magawa, napilitan siyang tanggapin ang kaniyang kahinaan. Ang isip ni Huiquan ay nabaling sa malalaswang dingding -- dingding ng banyo na ang mga sugat ay hindi mabura, ginulping dingding na halos iguho ng malalaswang pag-atake. Kakaiba, malaswang isip at dumi ay kakatuwang napapagsama nang maayos doon, pinupuwersa siyang harapin ang maruming katawan na pinipilit niyang itago. Mag-isa sa bisperas ng Bagong Taon, idinagdag niya ang sarili niyang mga pantasya sa mga naroon sa maruruming dingding. Hindi pala ang mga babae kundi marahil sa sarili pala niya siya naririmarim. Sa sarili niyang paraan, inalagaan niya ang kaniyang sarili. Magulo, siyempre pa, ngunit gusto niya ang gayon, lihim, ligtas, at di-komplikado. Mas maraming mapagtataguan sa kampo kaysa kaya nilang bilangin – taniman, maisan, daluyan ng irigasyon, di pa nabubungkal na bukid – na ang tanging nagmamasid sa kaniya ay ang langit sa itaas at ang lupa sa ibaba. Nang naroon na siya, wala na siyang pagtingin kay Xiaofen, kaya wala nang direksyon ang kaniyang pagkahumaling. Bahala na. Alam niyang pinaglalaruan siya ng mga demonyo at wala siyang lakas para labanan ito.Pagod na siya. Paubos na ang mga pagputok. Ang madalang nang pagputok ay nagpatingkad sa kalaliman ng gabi. Puno na ang mg tao ng kasiyahan, pagkain, at laro, at oras ba para matulog ang lungsod, bago magbukang-liwayway. Wala siyang kasama, at pakiramdam niya’y nawawala siya. Labas sa kaniyang mga pantasya, wala siyang makitang babae na karapat-dapat sa kaniyang pagmamahal.Si Luo Xiaofen, wala na sa kanyang isip, ay hinding-hindi ang babaeng iyon. Hindi pa niya nakikita ito simula nang lumabas siya. Nagbabakasyon ito sa Harbin kasama ng kaniyang nobyo, isang assistant sa kolehiyong normal, at isang gradwadong mag-aaral sa matematika si Luo – isang tambalang itinadhana ng langit. Ibinalita ni Tiya Luo, masaya at nagmamalaki, na magpapakasal na ang dalawa sa Mayo.Si Luo Xiaofen – kababata ni Hiuquan, sabay silang nagelementarya hanggang gitnang paaralan, ngunit ngayon, wala na siyang pagkakatulad. Nasa Harbin si Luo, samantalang siya, nasa kalyeng Spirit Run, sa isang madilim na sulok, gumagawa ng hamak na bagay. Ngunit ito ang tadhana.Hinahamak siyang lagi ng tadhana. Sa unang araw ng bagong taon, pinagkaabalahan niya ang kaniyang sasakyan, sa ikalawang araw, inilabas iyon para paandarin. Tuwang-tuwang siya sa mga sisidlang ginawa niya. Nagbisekleta siya para tingnan ang mga pakyawan, para pag-aralan ang mga lokasyon nito. Sa ikalima pa ang takdang pagbubukas ng mga ito, tila pinagkaisahan siya. Walang magagawa hanggang sa araw na ito.Matapos sumulat sa Instruktor Politikal Xue at ipadala ang liham, dumaan si Huiquan sa isang tindahan ng libro at bumili ng mga kopya ng “Mga Multo sa Isang Lumang Sementeryo at Mga Babaeng Ahas”. Pagbalik sa bahay, humilata siya’t nagbasa habang kinaing-isa-isa ang saging. Nitong mga nagdaang araw, nakaubos siya ng isang piling hanggang sa naging madulas ang kanyang bituka at napapapunta sa inodoro buong araw. Maayos naman ang mga libro; hindi lang siya makaalala ng istorya. Kaya’t binabasa niyang muli, at parang bago at kawili-wili pa rin sa ikalawang pagbasa. Matapos niyang basahing muli ang mga libro, itinabi niya ito at ang mga pader ay tila blangko at maputla. Saging pa. Itinuturing na niyang mga gago ang mga awtor. Nakababato. Gayon pa rin bukas, at may pakialam ba siya ? Ano ang pagkakaiba ng malaki at maliit na daga? Parehong pangit; parehong patagu-tago.Ibinigay kay Huiquan ang pwesto sa may daanan sa timog ng Silangang tulay. Dito ang mga numero ay nakapinta nang puti sa mga ladrilyo na nasa isang mahabang hanay ng tigdadalawang kwadrado-yardang pwesto; ang iba ay okupado, ang iba ay hindi. Matapos niyang ayusin ang kaniyang tindahan, tinakpan niya iyon ng ambi at inayos ang kaniyang sasakyan para magsilbing harap ng tindahan. Sa bandang kaliwa niya ay ang daanang silangan-kanluran, sa bandang kanan, ang katapat nitong hilaga-timog. Nasa tapat mismo ng paradahan para sa Eastbridge Department Store. Nasa gilid siya ng alimpuyo ng mga tao, parang di humihinto. Wala isa man lang na tumingin sa kaniyang paninda. Pagod pa sa nagdaang okasyon, ang mga dumaraan ay palaiwas o bugnutin. Ang kaniyang designasyong ay Timog 025. Hindi magandang puwesto. Siya ang ika-25 tindero ng damit sa isang mahabang yardang lugar. Ang mga tindahan ng pagkain ay nasa hilagang bahagi ng kalye, na may di kulang sa anim na nagtitinda ng inihaw na kamote at ilan pang matatandang naglalako ng malamig na dalandan at halos bulok nang saging.Napuno ng kulay berde sa kaniyang tindahan – isang bunton ng walong kulay-olibang kasuotang pang-army. Isinampay niya ang ilan, inilatag ang iba, at isinuot ang isa. Niloko siya ng matandang lalaki sa pakyawan. Hindi maitinda ang mga kasuotan, panlamig na angora, at sapatos na gawa sa canvass. Ang naitinda lamang niya nang araw na iyon ay mga angora, madaling naubos ang dalawampung piraso. Mangyari pa, iyon ang pain para sa iba pang paninda. Ang pakyawan ay tres-diyes. Ibinenta niya ang una ng apat na yuan at ang huli, sais-beinte. Walang kinailangang magturo sa kaniya. Natuto siya nang iabot sa kaniya ng unang kostumer ang pera ; huwag kang matataranta sa pera at kalimutan mo na ang pagiging magalang. Sumigla siya, sa kung anumang dahilan; kumislap ang mata niya, at napanatag siya. Sa wakas, isang bagay itong may kontrol siya.Gusto sana niyang magtago ng isang gora para sa sarili. Para itong Ku Klux Klan na talukbong – mga mata lamang ang makikita – at iyon ang kailangan ng nagtitinda. Pakiramdam ni Huiquan ay makapangyarihan siya, tulad ng misteryosong matanda na naglalako ng minatamisan na nakatayo sa harap ng Eastbridge Department Store, sa dinaraanan mismo ng hangin, ilang oras na walang imik, walang kibot. May mga kostumer siya – hindi marami, kaunti – ngunit hindi na matagalan ni Huiquan na panoorin siya, alam niyang maaari siyang sigawan nito kapag nagpatuloy pa siya.“Sapatos na tatak-Perfection mula sa Shenzhen free economic zone. Sapatos, tatak-perfection, gawa sa Shenzen…” Nagulat ang mga naglalakad sa sigaw niyang ito. Narinig na niya ang ganitong pagtawag sa Gate ng Silangang Tsina at sa Bukanang Gate, ngunit hindi niya alam kung kaya niya ang ganito. Mahirap, sa isip niya; hindi niya kaya. Ngayon, alam na niyang mali siya sa pagtantya sa sarili.“Mga blusang Batwing! Halikayo rito ! Tingnan ninyo !” Sa pagkakataong ito, napakasama ng tunog, ngunit tila walang nagulat. Ilan pang segundo, nasanay na ang mga mamimili sa kaniyang kakaibang sigaw. Maipagkakamaling galing sa aso o sa kotse, at hindi pa rin papansinin ng mga namimili.“Mga blusang Batwing! Seksi, seksi, seksi, mga babae!” Kung makasisigaw lang talaga siya ng kung anong malaswa para mapansin. Buong araw, binantayan niya ang kaniyang tindahan, mula umaga hanggang oras ng hapunan, ngunit wala siyang nabenta, isa man lang panlamig na angora o isang pares ng sapatos kaya -- wala maliban sa dalawampung angora. Kahit iyon lang, ang may katandaang babae sa kaniyang kanan ay naiingit, dahil gayong mas matagal na ito rito, naibenta lamang nito ay pares ng medyas at dalawang panyo. Ang tindahan sa kaliwa ay binabantayan ng isang lalaking dadalawampuin na muntik nang mapaaway sa isang kostumer dahil sa isang jaket na balat. Ang sabi ng kostumer, iyon ay imitasyon; ipinilit ng tindero na tunay iyong balat. Kinusot iyon ng kostumer at iginiit na imitasyon iyon mula sa ibang bansa. Naubos na ang pasensya ng tindero. Alam ni Huiquan na tunay iyong balat, ngunit hindi siya nakihalo sa gulo. Walang dahilan para sumangkot. Nang ang lalaki ay nag-alok sa kanya ng sigarilyo, tumanggi siya. At siya naman ang nagsindi, di niya pinansin ang lalaki. Wala siyang balak na mapalapit kaninuman. Kailangang mag-ingat kapag sangkot ang ibang tao.Siya ang huli sa hanay ng mga tindahan na nagsara ng araw na iyon. Alas nuwebe na, kalahating oras matapos magsara ang department store. Madilim ang paradahan, halos walang nagawa ang mga ilaw sa kalye; wala nang kostumer sa gabi. Nagsasara na rin ang tindahan sa tapat, na binabantayan ng dalawang lalaki, ngunit kahit gabing-gabi pa, parang ayaw pa nilang tapusin ang araw; may lungkot at panghihinayang sa kanilang tinig.“Medyas na nylon, pasara na ! Otsenta sentimos ang isang pares … otsenta sentimos isang pares ! Paubos na ang medyas na nylon. Huling tawag ! Medyas na nylon …Dumaan ang kanilang sasakyan sa gilid ng kalye patungo sa daan, sa direksyon ng tore ng pamilyang Hu. Pumedal ang isang tindero samantalang ang isa ay nakaluhod sa sasakyan at iwinawagayway ang isang pares ng medyas na nylon. Sandali lang ang kanilang lungkot na mabilis na pinalitan ng pambihirang tuwa. Ang kanilang mga tinig – isang mataas, isang mahina – ay iginala ng hangin sa gabi. Sa sumunod na araw, nakabenta siya ng muffler. Sa ikatlong araw, wala siyang naitinda. Sa ikaapat na araw, wala pang kalahating oras pagkabukas niya ng tindahan, nakapagbenta siya ng kasuotang pang-army sa apat na karpintero na kababalik lamang sa Beijing mula sa timog. Pagkagaling sa Estasyon ng Beijing, tumungo sila sa hardware sa tore ng pamilyang Hu, at nang marating nila ang Silangang-tulay, nagkulay talong ang kanilang labi dahil sa lamig. Naligtas ang kanilang mga balat ng kasuotang panlamig ni Huiquan, at ang kanilang pera ay mabilis niyang isinilid sa kaniyang bulsa. Bago siya nakapagtinda, matamlay niyang hinarap ang negosyo, ngunit nagbigay ng inspirasyon ang pagbili ng mga karpintero. Tiyaga ang susi para sa isang buhay na matatag. Kahit sa pinakamalalang panahon, walang ibubunga ang mawalan ng pag-asa. Mas mabuting maghintay kaysa sa umayaw, dahil walang makaaalam kung kalian kakatok ang oportunidad, Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay malas ka, hindi ba ? Nag-iisip si Huiquan.

                    Paksa: Elemento ng Dula



Dula- ito ay isa sa uri ng Panitikan. Nahahati ito sa mga tagpo at karaniwang itinatanghal sa isang teatro. Ito ay may 5 elemento:
1.       Iskrip-  ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang dula.
-         Lahat ng mga nangyayari sa isang dula ay naaayon sa iskrip.
2.     Gumaganap o Aktor- nagbibigay buhay sa dula at nagbibigay damdamin dito
3.     Tanghalan- Ito ay ang lugar kung saan nangyayari ang isang Dula.
4.    Direktor- ito ay ang taong namamahal sa isang dula at ang lider ng mga aktor.
5.     Manonood- Sila ang mga taong nanonood ng dula at sa kanila ito nakalaan.
-         Ang Dula ay isa rin sa  Panitikang Pilipino.  Ito ay karaniwang nagtatanghal ng mga totoong pangyayari sa buhay ng tao. Ito rin ay nagbibigay aral at aliw sa mga tao o manonood na nakakasaksi dito.

Para sa'akin ang Cohesive Device (Reference o Kohesiyong Gramatikal) ay


-        Ang “Cohesive Devices” ay nakatutulong sa atin upang maging mas magandang pakinggan ang isang akda o babasahin. Ito rin ay nakatutulong sa mambabasa na mas lalong maintindihan ang akdang binabasa. Kahit ito ay apat o anim na salita lamang, ito pa rin ay nakatutulong sa atin at sa Panitikang Pilipino.

Pampalawak ng Pangungusap



       Panaguri at paksa ang karaniwang bahagi ng pangungusap. Ngunit maari pang hatiin ang mga ito sa malilit na bahagi at ang mga maliliit na bahaging ito ang nagpapalawak sa pangungusap.
              Ang mga pampalawak ng pangugusap ay nahahati sa tatlo:
Ø Paningit
Ø Panuring (pang-uri at pang-abay)
Ø Pamuno at mga kaganapan

Pangatnig



-      -         Ang  Pangatnig ay ang mga kataga o lipon ng mga  salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala sa kapwa parirala at sugnay sa kapwa sugnay upang maipakita ang dalawa o higit pang kaisipan sa loob ng pangungusap. Ang pangatnig ay ginagamit din sa mga pangungusap na tambalan, hugnayan at langkapan.

Ito ay nahahati sa dalawang pangkat :

1. Pangatnig na nag-uugnay sa magkatimbang na yunit.
(o, ni, maging, at, ‘t, ngunit, kundi) - pinagbubuklod ang kaisipang pinag-uugnay

Halimbawa:
Nakakuha ako ng tubig at tinapay.
Nakatulog ako’t nakapahinga.
Mangongopya ka ba o makikipagkwentuhan ka na lamang?

(ngunit, subalit, datapwat, bagamat, pero) - pangatnig na panalungat; sinasalungat ng ikalawang kaisipan ang ipinahahayag ng nauuna.

Halimbawa:
Matalino si Villar subalit maraming isyung naglalabasan kaugnay sa kanya.
Mabait siya pero istrikto.

2. Pangatnig na nag-uugnay sa di-magkatimbang na yunit.
(kung, kapag, pag)

Halimbawa:
Iboboto ko siya kung wala nang ibang tatakbo na kasintalino niya.

(dahil sa, sapagkat, palibhasa) - nagpapakilala ng sanhi o dahilan

Halimbawa:
Maraming isyung naglalabasan kaugnay sa ilang politiko, palibhasa malapit na naman ang eleksyon.

(kaya, kung gayon, sana) - pangatnig na panlinaw

Halimbawa:
Wala raw siyang kasalanan kaya humarap pa rin siya sa media.

-            - Ang mga Pangatnig ay mahalaga. Sa pamamagitan ng mga ito, mas madali tayong nagkakaintindihan at napapadali ang ating pagkikipag-komunikasyon. Hindi man natin napapansin na nagagagamit natin ito sa ating araw-araw na pamumuhay, ang mahalaga ay malaki ang ginagampanang tungkulin nito sa ating buhay.

Sanaysay at Editoryal



-             Ang SANAYSAY ay isang salitang marami ang kahulugan. Ayon nga kay Alejandro G. Abadilla, ito ay “isang nakasulat na karansan ng isang sanay sa pagsasalaysay”. Ang iba nama’y nagsasabi na na ito’y “isang tangka sa paglalarawan  at pagbibigay kahulugan sa buhay at iba’t-ibang sangay nito”.  Ngunit kahit marami pa ang pakahulugan dito, isa lang ang malinaw sa ating lahat. Ito ay isang bahagi ng Panitikang Pilipino na nakatutulong sa atin na maipahag ang ating opinyon. Isang simpleng sulatin na pwedeng gumising sa mga tao tungkol sa isang particular na isyu sa atin ngayon.

Halimbawa ng Sanaysay:
    
Ang Kababaihan ng Taiwan, Ngayon at Noong Nakaraang 50 Taon
Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina
       Ang bilang ng populasyon ng  kababaihan sa mundo ay 51%  o  2% na mataas kaysa kalalakihan.  Maaaring isipin ng ilan na ang kababaihan ay nakakukuha ng parehong pagkakataon at karapatan gaya ng kalalakihan.  Ilang kababaihan lamang sa buong mundo ang nakakakuha ng pantay na karapatan at paggalang tulad sa kalalakihan.  Ang tungkulin at kalagayan ng kababaihan ay unti- unting nagbabago sa nakalipas na  50 taon.  Ito ay makikita sa dalawang kalagayan : una ang pagpapalit ng gampanin ng kababaihan at ang ikalawa ay ang pag-unlad ng kanilang karapatan at kalagayan.  Nakikita ito sa Taiwan.  Ang unang kalagayan  noong nakalipas na 50 taon, ang babae sa Taiwan ay katulad sa kasambahay o housekeeper.  Ang tanging tungkulin nila ay tapusin ang hindi mahahalagang gawaing-bahay na hindi natapos ng kanilang asawa.  Ang mga babae ay walang karapatang magdesisyon dahil sa kanilang mababang kalagayan sa tahanan.   
      Ngayon, nabago na ang tungkulin ng mga babae at ito ay lalong naging komplikado.  Sa bahay ng mga Taiwanese, sila pa rin ang may pananagutan sa mga gawaing-bahay.  Ngunit sa larangan ng trabaho, inaasahang magagawa nila kung ano ang nagagawa ng kalalakihan.  Sa madaling salita, dalawang mabibigat na tungkulin ang nakaatang sa kanilang balikat.   Ang ikalawang kalagayan ay pinatutunayan ng pagtaas ng kanilang sahod, pagkakataong makapag-aral, at mga batas na nangangalaga sa kanila.  Karamihan sa mga kompanya ay nagbibigay ng halaga sa kakayahan ng  babae at ang mga kinauukulan ay handang kumuha ng mga babaeng may kakayahan at masuwelduhan ng mataas.  Tumataas ang pagkakataon na umangat ang babae sa isang kumpanya at nakikita na ring may mga babaing namamahala.  Isa pa, tumaas ang pagkakataon para sa mga babae pagdating sa edukasyon.  Ayon sa isang estadistika mula sa gobyerno, higit na mataas ang bilang ng mga babaing nag-aaral sa kolehiyo kung ihahambing sa kalalakihan makalipas ang 50 taon.    At ang huling kalagayan ay ang pagbabago ng mga batas para sa pangangalaga sa kababaihan ay nakikita na rin.  Halimbawa, sa Accton Inc., isa sa nangungunang networking hardware manufacturer sa Taiwan,  ginawa nang isang taon ang maternity leave sa halip na 3 buwan lamang.  Ang gobyerno ng Taiwan ay gumagawa na ng batas sa pagkakaroon ng pantay na karapatan upang higit nilang mapangalagaan ang kababaihan.   Bilang pagwawakas, naiiba na ang gampanin ng mga babae at higit itong mapanghamon kung ihahambing noon.  Ang kanilang karapatan at kahalagahan ay binibigyan na ng pansin.  Ngunit hindi ito nangangahulugan na ang mga babae ay tumatanggap na ng pantay na posisyon at pangangalaga sa  lipunan.  Mayroon pa ring mga kompanya na hindi makatarungan ang pagtrato sa mga babaing lider nito. 
      Marami pa ring kalalakihan ang nagbibigay ng mabigat na tungkulin sa kanilang asawa sa tahanan.   Ito ay matuwid pa rin sa kanila.  Marami pa ring dapat  magbago sa kalagayan ng kababaihan sa Taiwan at malaki ang aking pag-asa na makita ang ganap at pantay na karapatan nila sa lipunan. 

-             May mga sanaysay din naman na tumatayo bilang isang Editoryal. Ang EDITORYAL ay ang pangunahing tudling ng kuru-kuro ng isang pahayagan. Kumakatawan ito sa sama-samang paninindigan ng patnugutan ng pahayagan kaya sinasabing kaluluwa ito ng publikasyon. Layunin nito sa pagbibigay ng kuru-kuro ang magpabatid, magpakahulugan, magbigay-puna, magbigay-puri, manlibang at magpahalaga sa natatanging araw. Itinutuwid ng editoryal ang mga maling palagay o paniniwala at pagkalito ng tao sa isang isyu. Nagbibigay-pakahulugan din ang isang editoryal sa balita o kaganapan upang bigyang-linaw sa kahuluguhan ng pangyayari. Nagbibigay-puna ang editoryal sa layuning magkaroon ng pagbabago para sa pakinabangan ng nakararaming tao. Ang pagtuligsa ay hindi kailangan makasakit ng damdamin ng kapwa. Pumupuri ang editoryal kung may dapat pahalagahan. May mga editoryal naman na ang pagkakasulat ay nanlilibang subalit taglay nito ang mahalagang opinyon.
(kahulugan mula sa WIKIPEDIA:ang malayang ensiklopedya
   May tatlong bahagi ang Editoryal ito ay ang :
·       Panimula: dito mo binabanggit ang paksa o isyu na iyong tatalakayin.
·       Katawan/Gitna: dito ka nagbibigay ng mga ideya o kaisipan tungkol sa iyong paksa.
·       Pangwakas: dito ka nagbibigay konklusyon para sa iyong buong editoryal.

Halimbawa ng Editoryal:
Pagbibigay Kapangyarihan sa  Kababaihang Pilipino sa Pamamagitan ng Estadistikang Kasarian “
    “Babae, pasakop kayo sa inyong asawa,” isang pahayag na hinango sa Banal na Aklat at naging panuntunan ng balana rito sa daigdig sa lahat ng panahon. Lahat ng bagay ay nagbabago kaya nga walang permanente sa mundo. Ang dating kiming tagasunod lamang ay natutong tumutol laban sa karahasan sapagkat hindi na matanggap ang dinaranas na kaapihan.  Kaniyang ipinaglaban ang sariling karapatan upang makapagpasiya sa sarili.  Lakas-loob din niyang hiningi ang karapatang maisatinig ang matagal nang nahimbing na pagnanasang maging katuwang hindi lamang sa tahanan kundi maging sa paghubog ng lipunan para sa isang maunlad, matahimik at kaaya-ayang kinabukasan. Sa ngayon, ang  kababaihan ay unti-unting na ring napahalagahan.  Hindi man ito maituturing na ganap dahil sa patuloy na mga karahasang pantahanan na pawang mga kababaihan ang nagiging biktima. Ang sexual harassment na madalas ay daing ng mga kababaihan ay nagdaragdag sa mga suliraning pambansa. Ang babae ay katuwang sa pamumuhay.  Hindi sila katulong na tagasunod sa lahat ng mga ipinag-uutos ng ilang nag-aastang “Panginoon”.  Sila’y karamay sa suliranin at kaagapay sa mga pangyayaring nagdudulot ng pait sa bawat miyembro ng pamilya. Tunay na ang mga kababaihan ay hindi lamang kasama kundi kabahagi sa pagpapaunlad ng bayan sa lahat ng panahon. Marami na ring samahan ang itinatag upang mangalaga at magbigay- proteksiyon sa mga kababaihan.  Ilan sa mga ito ay Gabriela, Tigil-Bugbog Hotline at marami pang iba.  Patuloy ang mga samahang ito sa pakikibaka upang sugpuin ang patuloy na diskriminasyon sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan.  Layunin nilang mabigyan ng edukasyon at kamulatan sa mga karapatang dapat ipakipaglaban ng mga kababaihan. 

 - halaw sa Sandigan I(Kalipunan ng mga Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino ) ni Lolita M. Andrada

                                    

Paksa: Modal

        -    Ang modal ay salitang malapandiwa na ginagamit sa pagpapahayag ng kagustuhan, posibilidad, kakayahan, pahintulot at obligasyon. Mga halimabawa nito ang: maari, puwede, gusto, ibig, nais, dapat, kailangan at hangad. Ang anyo ng modal ay hindi nababago dahil wala itong aspekto.

Dalawang Gamit Nito
1.        Bilang malapandiwa o salitang kahawig ng pandiwa sa mga pangungusap na walang totoong pandiwa.
Hal.  Gusto ko ang damit mo.
                           Hangad ko ang iyong tahumpay.
Tandaan: Walang totoong pandiwa ang mga pangungusap na ito. Ang mga modal na gusto, hangad at kailangan ang nagpapahiwatig ng pandiwa.
2.       Bilang panuring o pantulong sa pandiwa na may anyong pawatas.
Hal. Gusto niyang makaalis sa hukay.
        Ibig ng kuneho na magbigay ng makatarungang desisyon.
Mga Uri ng Modal
        1.   Nagsasaad ng kagustuhan (pagnanasa, paghahangad, pagkagusto ng higit kaysa iba)
a. “Gusto kong maakyat ang bunganga ng hukay,” wika ng tigre.
b. “Ibig mong maialis kita diyan sa malalim na hukay,” sigaw ng lalaki sa tigre.
        2. Nagsasaad ng kakayahan o posibilidad
      a. Puwede silang dumating mamaya.
      b. Maaari mo itong tapusin mamayang gabi.
3. Nagsasaad ng obligasyon (sapilitang pagtupad, hinihingin mangyari)
      a. Dapat sundin ang Saligang-Batas.
      b. Kailangan mag-aral kang mabuti.    


      Ang modal man ay hindi isang tunay na pandiwa, ito nama’y nagbibigay turing sa mga salitang ang kahulugan ay tulad ng sa pandiwa. Siguro nga ay wala itong aspekto na nagpapahayag kung kailan ito naganap, ngunit tulad ng isang pandiwa, ito ri’y nakatutulong sa atin upang ating maipahayag ang nais nating sabihin.