Huwebes, Marso 19, 2015

                        TATLONG  MASASAYANG KARANASAN BILANG BAITANG SIYAM
         
Masasayang karanasan? Marami ako niyan, di mawawala sa buhay ko ang maging masaya at maligaya. Hindi ko na patatagalin pa itong sasabihin ko, mga masasayang karanasan bilang baitang siyam:
3.Sumali kami sa paligsahan ng pagbuo ng "JINGLE" noong (Nutrition Month Division Contest) sa San Isidro National High School. 
2.Noong gumawa ako ng "recycle" na damit ni Kuya Mark Marasigan para sa dumaang Lakan at Lakambini ng kalikasan. Nagwagi at nakatulong rin ako sa "Inang Kalikasan".
1.Noong gumawa kami ng (Movie Trailer at Short Film) sa Filipino para sa aming Noli Me Tangere.
*********************
Bitin ba? Bisitahin niyo po ito palagi upang masaksihan ang mga ibabahagi ko sa inyong pangyayari at kuwento ng aking buhay. Maraming salamat hanggang sa uulitin.

                        #ANGbagongTATAHAKINniCL

Miyerkules, Marso 18, 2015

"ANG PINAGMAMALAKI KONG GURO"
                                     paumanhin po na ginamit ko po ang inyong larawan.

                Guro, apat na letra may dalawang pantig at katinig. Mapagpasensya at maalalahaning guro. Binibigyan kami ang kaalaman sa iba't ibang paraan, ang maingay naming bibig ay tatahimik. Lahat ng mali kanyang tinatama walang sinasayang na sandali, oras ay importante. Si Gng. Marvilyn B. Mixto ang guro ko sa Filipino 9 kung inaakala niyong siya ay masungit na guro. Puwes at nagkamali kayo, ang guro kong ito ay isang mabutihing ina at anak, halata pa lang sa maamo niyang mukha. Ang masasabi ko lang sa aking paboritong guro "Maraming maraming salamt po kulang po ang siyam o sampung na buwan para kami ay inyong turuan pa ng maraming kaalaman. Masayang masaya po ako dahil sa lahat po ng naging guro ko sa Filipino sa ngayon ay kayo po ang aking mas hinahangaan di lang po sa panlabas na anyo, kundi sa panloob na anyo. Maraming salamat pong muli. Patuloy ko pa rin pong i-aupdate ang aking blog. Mabuhay po kayo ng marangal at payapa. Salamat po sa lahat.
 
                                                                             #PAMAMAALAMniCL
"K - 12 MABUTI RIN NAMAN"
Christian Hil R. Arlante
K-12 papano ka ginawa? Mahirap kung tutuusin ang curriculum na ito, sinasabi ko sainyo mahirap man ito meron parin itong mabuting naidudulot. Tulad ng pagsasanay mo bilang marunong maki-sama, makipag-kaibigan, at matuto ng mabubuting asal. Sa pamamagitan ng maayos at masayang paraan na ika-uunlad ng bansa. Kung iisipin nating mabuti ang lahat ng itnuturo sa curriculum na ito  ay maisasakatuparan lamang kung may tiyak kang misyon sa buhay. Dahil dito masasabi ko na ang mainam na kasagutan sa tanong na "ANO ANG MASASABI MO SA K-12 CURRICULUM BILANG KAUNA-UNAHANG NAABUTAN NITO?. Isang simpleng sagot, ang MANGUNA SA KAALAMAN, ang lahat ng leksyon sa buhay ay may paunang kaalaman. Mabuti man o masama ang dulot nito sa atin, maganda pa ang may laging alam. "K-12 DAPAT IPAGPATULOY , LAHAT AY AAYON SA DALOY KUNG ANG LAHAT AY MAGBABAGO."

#OPINYONniCL
IKA-SAMPUNG ARAW SA IKA-APAT NA MARKAHAN     03/19/15
        Ito na ba ang huli? Oo ito na nga :(, nakakalungkot isipin diba? Ang masasabi ko lang sa linggong ito ay paalam at maraming maraming salamat. Ito man ang huli kong linggo bilang baitang siyam, di parin matitigil ang aking pagbisita at pag-update sayo. Paalam  pinaka mamahal na blogger, hanggang sa muli :").
                                                                                     
                                                                  Nagmamahal na kaibigan,
                                                                  Christian Hil Roxas Arlante

Sabado, Marso 14, 2015

                                                     ANG TAKDANG ARALIN
                                              BUMUO NG MAIKLING KWENTO


                                                          PANGKATANG GAWAIN
                                                              BUMUO NG POSTER
IKA-SIYAM NA LINGGO SA IKA-APAT NA MARKAHAN  03/14/15
        Sumakit ang ulo ko, alam niyo kung bakit? Sa dalawang araw na pagsusulit namin sa walong asignatura ay sumabog na ang aking ulo sa kakaisip at pag-unawa ko sa bawat bilang na aming napagdadaanan. Lalo na sa asignaturang matematika. Ano ba ito napunta na tayo sa usaping pagsusulit, tumungo naman tayo sa asignaturang Filipino. Alam niyo ba ang naging pala isipan sa isip ko ang mga katangian ni Maria Clara sa panahong inilarawan siya sa N.M.T. na mahinang babae ay kung bakit simbolo siya ng dalagang Pilipina o mga kababaihan sa Pilipinas kung siya naman ay mahinang babae? Sa panahon ngayon ang isang babae makikita na ang kanilang katangian ay lumayo sa panahon noon. Naging mas matapang at lumaban. Nabigyan sila ng pagkakataon na maging malayang tao sa lipinan. Umayon ang lahat ng si Lea Salonga ay naging tanyag sa larangan ng pag-awit na naging daan ng pagbabago ng pagtingin sa kababaihan. Binigyang diin sa linggong ito ang mga gawaing nagpadama sa amin ng katangian ni Maria Clara katulad ng papano mapapatunayan ang tunay na pag-ibig sa pamamagitan ng pagbuo ng poster, awit, tula, at slogan. Nabahagi ko rin ang aking buhay pagdating sa aking pamilya di man kasing ganda ng inaakala ninyo pero mahal namin ang isa't isa. Mabuhay Pilipinas at ang ating mga kababaihan. Bago ko tapusin ang pagsusulat nito, binigyan rin kami ng mga takdang aralin ng aming guro. Yun po lamang, hanggang sa muli.
                                         
                                                      Nagmamahal na kaibigan,
                                                      Christian Hil Roxas Arlante

Linggo, Marso 8, 2015

IKA-WALONG LINGGO SA IKA_APAT NA MARKAHAN     03/08/15
       Sa pagtatagpong ito at usap-usapin na ang lahat ng kababaihan ay may pagkakaiba sa mga iba't ibang larangan. Katulad ni Maria Clara, siya ang dalagang kasintahan ni Ibarra. Kung ating tatanungin ang iba pang kabataan na napag-aralan si Maria Clara ang una nilang sasabihing katangian nito ay maganda,mahinhin,at mayaman. Sa ubod niya ng kagandahan merong natatagong kakaibang lihim na hindi rin alam ni Maria Clara, gusto niyo bang malaman kung ano?. Siya lang naman ang anak ni Padre Damaso. Gulat kayo noh? Yung totoo? OO! anak nga ni Padre Damaso si Maria Clara. Sa pagkakataong iyon walang kaalam alam si Maria Clara na ang kanyang ama pala ay si Padre Damaso at hindi si Kapitan Tiyago. Masakit kung malalaman pa ito ni Maria Clara dahil masasabi nating ayaw niya rin dito at kaaway din ni Ibarra.
       Si Sisa, mahirap,pan*it,du*yutin. Pero kahit anong sabihin nating masama patungkol sa kanya ay hindi pa rin maalis sa kanya ang mabuting ina at asawa.
                                               
                                                        Nagmamahal na kaibigan,
                                                        Christian Hil Arlante
 IKA-PITONG LINGGO SA IKA-APAT NA MARKAHAN            03/08/15
             Sa buong buhay ko natutuwa akong isipin na ang lahat ng bagay ay may kaugnayan sa isa't isa. Di man sagrado ang mga pananaw natin sa buhay, meron naman tayong istilo sa pagtuklas nito. Noong sinimulan namin ang mga aralin na may kaugnayan kay ELIAS napagtanto ko na simula sa sapul inintindi lamang ni Elias ang mga bagay-bagay na magbibigay kaayusan sa lahat di man sa kanyang pag-ibig pero sa kanyang mahal na bayan. Papano naman niya iibigin si SALOME kung di pa ayus ang lahat sa bayan ng SAN DIEGO, kung ang lahat ng masasama ay nangingibabaw parin. Tama nga lang talaga na pinapunta ni Elias si Salome sa Mindoro at malayo sa gulo na kasama siya. Gusto ni Elias na maisaayos niya muna ang lahat kasama si Ibarra bago niya mahalin si Salome pero hindi iyon ang tunay na ipinahiwatig ni Jose Rizal. Di niya binigyang laya ang mga tauhan katulad ni Elias na makapamuhay ng malaya kasama ang kanilang mahal sa buhay pagkatapos ng gulo sa kani-kanilang buhay. Kung ako ang masusunod, bibigyan ko ng laya ang tauhan sa pagdikta ng kanilang kapalaran na nagsasabi na walang imposible sa kanilang buhay hangga't may pananalig sila Poong Maykapal.
                             
                                                Nagmamahal na kaibigan,
                                                Christian Hil Arlante