Biyernes, Pebrero 13, 2015

IKA-LIMANG LINGGO SA IKA-APAT NA MARKAHAN           02/14/15
         Magandang buhay!, ngayong peb-ibig gusto kong itangi ang aking puso sa pamilya kong nagmamahal sakin at mga kaibigang handang damayan ako sa anumang pagsubok ang dumaan. Alam niyo ba na ngayon lang ako ng nakaramdam ng ganitong pakiramdam, di naman sa kauna-unahang pagtibok ng aking puso kundi ang makaranas ng pagmamahal na di mo inaasahan. Ayoko ng ikwento pa masyadong nakakasakit ng puso, Hahaha! masaya talaga ang linggo ito para sa,akin. Tinalakay namin ang mga iba't ibang kaganapan sa buhay ni Crisostomo Ibarra sa N.M.T., at dahil doon binigyan kami ng gawain patungkol sa mahahalagang pangyayari sa tauhan kay Ibarra at ano ang dahilan kung bakit ito mahalaga. Napagtagumpayan rin namin itong tapusin. At bago pumatak ang disperas ng araw ng mga puso kami ay pinagdala ng mga kagamitan sa paggawa ng kard para sa'aming minamahal at gumawa rin kami ng tula ng may 16 na taludtod na may kaugnay sa pag-ibig. Kahit ako nabigla rin sa nagawa ko, di man patungkol sa magkaibang kasarian. Ang ginawa ko kasi ay kung ano ang sinasabi ng aking puso. OH DIBA !! pwede na ? biro lang. Sa totoo lang ang inalayan ko ng aking tula ay yung taong hinahangaan ko. Gusto mo bang malaman? Hahaha wag na muna. May takdang panahon para diyan, kaya magpapaalam muna ko. Sige paalam! sa susunod muli.
                                            
                                                                             Nagmamahal na kaibigan,
                                                                             Christian Hil Arlante 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento