Sabado, Pebrero 7, 2015

 IKA-APAT NA LINGGO SA IKA-APAT NA MARKAHAN              02/08/15
             Kamusta ? Natapos na naman ang isang linggong kay saya sa asignaturang Filipino 9. Sa pagaaral namin sa nobelang Noli me tangere ay naging mas kapanapanbik ang mga pangyayari sa bawat kabanata. Nagkaroon ng parade of characters ng NMT kung saan kaylangan mong isabuhay ang katangian ng  iyong pipiliin. Ang aking napili ay si Kapitan Tiyago, alam mo kung bakit?. Dahil sa katangian niyang taglay ay umugnay ang aking pagkatao sa pangyayari ng buhay niya. Parehas kaming may pagkamasungit na mabait, parehas rin kaming sunod-sunuran sa aming mga nagiging kasangga sa anumang laban. Di man ako mataba katulad ni Kapitan Tyago, meron naman akong pagkakahawig sa itsura niya. Alam ko mahirap paniwalaan pero kung susuriin nyo ang aking mukha kung may pagkakahawig ba? Wag na! Masyadong seryoso. hehehe. Ngayong linggo ring ito ay nakapag-ulat na kami ng pangkat isa sa bawat kabanatang binigay sa'amin ni Gng. Mixto. Ang mga kabanatang ito ay 1,2,3,4,5,7,9,at 10 bilang lider ng aming pangkat ay inatasan ko sila kung ano ang kabantang gagawin at iuulat nila kinabukasan. Naging maayos naman ang aming paguulat. Sa susunod na linggo ay magbibigay ng pagsusulit ang aming guro, at sana ay makapasa ako. Babasahin ko ng babasahin ang mga kabanatang binigay sa'amin ng aming guro.
                                                                   
                                                                                    Nagmamahal na kaibigan,
                                                                                    Christian Hil Arlante

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento