Linggo, Pebrero 22, 2015

IKA-ANIM NA LINGGO SA IKA-APAT NA MARKAHAN       02/22/15
          Alam ko na gustong isigaw ni Crisostomo Ibarra na mahal na mahal niya ang kanyang ama, ina, kasintahan, at kanyang bayan. Isisigaw niya yun kung ngayong panahon siya pinanganak at ganun parin ang kanyang layunin. Sa kada linggong pagsulat ko sa blog na ito na isip ko bang maging mapagmahal sa bayan?, sa tinta ng ink ng kompyuter naging makabayan ba ko?. Para masabi ko kung anong nararamdaman ni Ibarra kung anong pinagdaanan niya mabawi lang ang pagkakakilanlan ng totoong puso ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol. Tingin ko OO naging makabayan ako dahil sa linggong ito nagkaroon kami ng pangkatang gawain, ang tema ng aming iuulat ay mga hangarin at banta sa buhay ni Ibarra. Naging maayos naman ang aming paguulat, di katulad ng pangkat dalawa, isa sa kanilang miyembro ang ginawang di seryoso ang pagdudula ng kanyang ginagaya. Binigay rin na katungan ng aming guro kung si Ibarra ba ay biktima ng pagkakataon sa pag-ibig at iba pang dahilan. Pagkatapos ay ipinanood sa'amin ang aming natapos na produkto na movie trailer ayos naman ngunit ang pinaka umangat ang kapanapanabik na trailer ng pangkat 3. Nakakatuwang isipin na natapos namin ang linggong ito na masaya at may pagmamahal. Yun lamang at maraming salamat hanggang sa muli.
                                                                  Nagmamahal na kaibigan,
                                                                  Christian Hil Arlante

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento