Paksa: Elemento ng Dula
Dula- ito ay isa sa uri ng Panitikan. Nahahati ito sa mga tagpo at karaniwang itinatanghal sa isang teatro. Ito ay may 5 elemento:
1. Iskrip- ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang dula.
- Lahat ng mga nangyayari sa isang dula ay naaayon sa iskrip.
2. Gumaganap o Aktor- nagbibigay buhay sa dula at nagbibigay damdamin dito
3. Tanghalan- Ito ay ang lugar kung saan nangyayari ang isang Dula.
4. Direktor- ito ay ang taong namamahal sa isang dula at ang lider ng mga aktor.
5. Manonood- Sila ang mga taong nanonood ng dula at sa kanila ito nakalaan.
- Ang Dula ay isa rin sa Panitikang Pilipino. Ito ay karaniwang nagtatanghal ng mga totoong pangyayari sa buhay ng tao. Ito rin ay nagbibigay aral at aliw sa mga tao o manonood na nakakasaksi dito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento