Linggo, Enero 25, 2015

IKALAWANG LINGGO SA IKA-APAT NA MARKAHAN                      01/24/15


Mahal kong kaibigan,
               Sa panimula naming pag-aaral sa noli me tangere. Naunawaan ko ang isang bagay na nagpabago sa kasaysayan ng pilipinas, ito ay kung ano ang dahilan bakit sinakop ng Español ang Pilipinas. Ginamit ni Jose P. Rizal ang panulat para maging sandata sa pakikipaglaban sa makapangyarihang Español dahil sa pakikipagsapalaran ni Rizal bagama't sinakripisyo niya ang kanyang sarili sa isang madugong rebolusyon na nagbigay liwanag sa madilim na mundo ng mga pilipino sa kamay ng mapagsamantalang Español. Inihalintulad ng Ina ni Rizal ang magiging buhay nito kapag nakipag laban siya sa mga Español. Hindi niya dapat gamitin ang kanyang talinosa pakikipagtunggali sa mga kalaban. Noong bata si Rizal, pinapanood niya ang isang gamo-gamo na umiikot ito sa kandilang umaapoy habang siya ay nakikinig sa kwentong pangaral ng kanyang Ina. Sabay na namatay ang gamo-gamo sa kwento ng Ina ni Rizal at ang kanyang pinapanood na gamo-gamo sa paglapit nito sa apoy at nilamon ng apoy ang pakpak nito. Ganun din ang naging kapalaran ni Rizal ng makipag laban siya sa mga kalabang Español. Maganda ang naging pangaral ng Ina ni Rizal ngunit nanaig ang pagmamahal ni Rizal sa bayang kanyang sinilangan.
              Natutunanko sa buhay na walang magulang ang gustong masaktan ang mga anak. Kaya sa lahat ng anak na katulad ko, gusto kong iparating sainyo na makinig tayo sa ating mga MAGULANG. Iba ang pangaral ng magulang, magiging mabuti ang kinabukasan ng mga anak kung ang lahat ng kabataan ay may pagmamahal sa kanilang magulang.
              Sa pagde-debate namin noong biyernes( Enero 23, 2015 ) nailahad namin ang aming
saloobin sa pag tanong na "DAPAT BA O HINDI DAPAT GINAMIT NI RIZAL ANG PANULAT SA PAGKAMIT NG KALAYAAN NG PILIPINAS". Napunta sa aming grupo ang HINDI DAPAT.. kung ako ang natawag, ito ang aking sasabihin "HINDI DAPAT!, dahil magiging hudyat ito ng sobrang pagkamuhi ng Español sa mga Pilipino lalo na kay Rizal. At magiging daan ito sa pagkamatay ni Rizal sa kamay ng mga mananakop na Español.

                                                                                                           Nagmamahal na kaibigan,

                                                                                                           Christian Hil Arlante

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento