Linggo, Enero 25, 2015

UNANG LINGGO SA IKA-APAT NA MARKAHAN                              01/17/15

                 Sa pagpasok ng Enero, lubha akong nasiyahan sa aking nalaman. Alam mo bang pagkatapos naming ipasa kay Gng. Mixto ang aming movie trailer ay sinalubong kami ng panibagong produkto para sa ika-apat na markahan. Ito ay patungkol sa Noli Me Tangere kung saan ay bubuo kami ng isa pang movie trailer at short film na aming kukunin sa mga kabanatang ibinigay sa'amin ni Gng. Mixto. Kabilang sa kanyang mga sinabi niya ay ang kabanata 6,34,54, at 60. Sa pagkakataon na iyon ay nagbalik aral kami patungkol sa sanaysay alam niyo ba na sa pagsulat ng sanaysay mahalagang malaman ang pamaksang pangungusap at pantulong na pangungusap. Ang pamaksang pangungusap makikita ang pangunahing ideya.Saan mang bahagi ng talata makikita ito. Ang pantulong na pangungusap ang nagbibigay detalye sa pamaksang pangungusap. Huling pinag-usapan ang pangngtwiran. Ito ay paraan ng pagbibigay diin sa isang pahayag. May dalawang uri ng pangangatwiran: pangangatwirang pabuod at pangangatwirang pasaklaw. Ito rin  ay tuluyang kathain na naglalahad ng kaalaman, kuro-kuro o damdamin. Mayroon itong tatlong elemento: paksa, tono, at kaisipan. Makikita sa tono ang apatna uri ng teksto: ang informativ, narativ, persuweysiv, at argumentativ. Bahagi ng talakayan ang mga halimbawa ng dokumentaryo na sanaysay. Ang  lahat ng ito ay may kinalaman sa paraan ng pagsulat ng isang makapangatwiranang sanaysay. Sa bagong aralin namin ngayon ay buo kong ibibigay ang aking makakaya para maisabuhay ko ang nobelang NOLI ME TANGERE.
                                                                                              Nagmamahal na kaibigan,
                                                                      Christian Hil Arlante

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento