Sabado, Enero 31, 2015

IKATLONG LINGGO SA IKA-APAT NA MARKAHAN                    01/31/15

Mahal kong kaibigan,
          Aaminin ko, nabigla ako sa mga tauhan ng N.M.T. dahil sa totoo lang ang magbasa ng mga tauhan ay hindi ganoon kadali, sapagkat kailangan mo pa itong bigyan ng lalim na eksplenasyon na magbibigay kahulugan sa katangian ng mga tauhan. Sa pagdami  ng aking nalaman tungkol sa mga tauhan ay mas naging kapanapanabik ang takbo ng istorya sa N.M.T. Kung ako mismo ang gaganap sa nobela ang pipiliin ko ay si Pilosopong Tasyo, alam mo kong bakit? eh di tara basahin natin ang nobela. Bilang istudyante kailangan tuwing tayo ay gagawa ng kwento katulad ng nobela sa pagpili ng tauhan dapat naiuugnay natin ang katangian ng gumaganap sa ating totoong buhay, tulad ni Rizal ginamit niya sa kanyang nobela ang mga taong naging kaugnay ng karanasan nito sa kamay ng mga Kastila. At napagtanto ko bago matapos ang linggo na ito na sa pagbabasa ng mga kabanata sa nobelang Noli Me tangere ang lubos na nakakagalak sa pagbuo ng katangian ng isang tauhan sa kwento. Kakabit nito ang isang maganda at may saysay na kwento na maaaring magpabago ng pananaw ng mga taong makakabasa ng iyong nobela. Lahat ng katangian ng iyong mga kaibigan o kakilala ay pwede mong magamit sa pagbuo ng isang masining na kwento.

                                                                             Nagmamahal na kaibigan,
                                                                             Christian Hil Arlante

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento