Biyernes, Enero 9, 2015

PANGALAWANG LINGGO SA IKATLONG MARKAHAN :)

          Lubos akong natuwa sa mga aral na aking natutunan ngayong linggo ,ang mga uri ng paghahambing ang aming pinag aralan.Natutunan ko ang mga uri ng paghahambing at kung paano ito gamitin ayon sa kinabibilangang uri nito.Mayroong dalawang uri ng paghahambing, ito ay ang magkatulad at di magkatulad.Ginagamit ang magkatulad na paghahambing kung pinghahambing ang dalawang patas na katangian , halimbawa ay maganda, maaring gamitin ang
sing,magkasing ,hawig at kung ano ano pa.Samantalang kung gagamitin naman ang di magkatulad na paghahambing ,kailangan ay mayroong isang nakakaangat at ang isa naman ang hinahambing.Halimbawa ang isa ay ihahambing mo sa mas nakakaangat sa kanya kailangan mong gumamit ng katulad ng di gasino ,mas ,higit,at kung ano pa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento