Linggo, Marso 8, 2015

 IKA-PITONG LINGGO SA IKA-APAT NA MARKAHAN            03/08/15
             Sa buong buhay ko natutuwa akong isipin na ang lahat ng bagay ay may kaugnayan sa isa't isa. Di man sagrado ang mga pananaw natin sa buhay, meron naman tayong istilo sa pagtuklas nito. Noong sinimulan namin ang mga aralin na may kaugnayan kay ELIAS napagtanto ko na simula sa sapul inintindi lamang ni Elias ang mga bagay-bagay na magbibigay kaayusan sa lahat di man sa kanyang pag-ibig pero sa kanyang mahal na bayan. Papano naman niya iibigin si SALOME kung di pa ayus ang lahat sa bayan ng SAN DIEGO, kung ang lahat ng masasama ay nangingibabaw parin. Tama nga lang talaga na pinapunta ni Elias si Salome sa Mindoro at malayo sa gulo na kasama siya. Gusto ni Elias na maisaayos niya muna ang lahat kasama si Ibarra bago niya mahalin si Salome pero hindi iyon ang tunay na ipinahiwatig ni Jose Rizal. Di niya binigyang laya ang mga tauhan katulad ni Elias na makapamuhay ng malaya kasama ang kanilang mahal sa buhay pagkatapos ng gulo sa kani-kanilang buhay. Kung ako ang masusunod, bibigyan ko ng laya ang tauhan sa pagdikta ng kanilang kapalaran na nagsasabi na walang imposible sa kanilang buhay hangga't may pananalig sila Poong Maykapal.
                             
                                                Nagmamahal na kaibigan,
                                                Christian Hil Arlante

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento