Miyerkules, Marso 18, 2015

"ANG PINAGMAMALAKI KONG GURO"
                                     paumanhin po na ginamit ko po ang inyong larawan.

                Guro, apat na letra may dalawang pantig at katinig. Mapagpasensya at maalalahaning guro. Binibigyan kami ang kaalaman sa iba't ibang paraan, ang maingay naming bibig ay tatahimik. Lahat ng mali kanyang tinatama walang sinasayang na sandali, oras ay importante. Si Gng. Marvilyn B. Mixto ang guro ko sa Filipino 9 kung inaakala niyong siya ay masungit na guro. Puwes at nagkamali kayo, ang guro kong ito ay isang mabutihing ina at anak, halata pa lang sa maamo niyang mukha. Ang masasabi ko lang sa aking paboritong guro "Maraming maraming salamt po kulang po ang siyam o sampung na buwan para kami ay inyong turuan pa ng maraming kaalaman. Masayang masaya po ako dahil sa lahat po ng naging guro ko sa Filipino sa ngayon ay kayo po ang aking mas hinahangaan di lang po sa panlabas na anyo, kundi sa panloob na anyo. Maraming salamat pong muli. Patuloy ko pa rin pong i-aupdate ang aking blog. Mabuhay po kayo ng marangal at payapa. Salamat po sa lahat.
 
                                                                             #PAMAMAALAMniCL

1 komento: