Sabado, Marso 14, 2015

IKA-SIYAM NA LINGGO SA IKA-APAT NA MARKAHAN  03/14/15
        Sumakit ang ulo ko, alam niyo kung bakit? Sa dalawang araw na pagsusulit namin sa walong asignatura ay sumabog na ang aking ulo sa kakaisip at pag-unawa ko sa bawat bilang na aming napagdadaanan. Lalo na sa asignaturang matematika. Ano ba ito napunta na tayo sa usaping pagsusulit, tumungo naman tayo sa asignaturang Filipino. Alam niyo ba ang naging pala isipan sa isip ko ang mga katangian ni Maria Clara sa panahong inilarawan siya sa N.M.T. na mahinang babae ay kung bakit simbolo siya ng dalagang Pilipina o mga kababaihan sa Pilipinas kung siya naman ay mahinang babae? Sa panahon ngayon ang isang babae makikita na ang kanilang katangian ay lumayo sa panahon noon. Naging mas matapang at lumaban. Nabigyan sila ng pagkakataon na maging malayang tao sa lipinan. Umayon ang lahat ng si Lea Salonga ay naging tanyag sa larangan ng pag-awit na naging daan ng pagbabago ng pagtingin sa kababaihan. Binigyang diin sa linggong ito ang mga gawaing nagpadama sa amin ng katangian ni Maria Clara katulad ng papano mapapatunayan ang tunay na pag-ibig sa pamamagitan ng pagbuo ng poster, awit, tula, at slogan. Nabahagi ko rin ang aking buhay pagdating sa aking pamilya di man kasing ganda ng inaakala ninyo pero mahal namin ang isa't isa. Mabuhay Pilipinas at ang ating mga kababaihan. Bago ko tapusin ang pagsusulat nito, binigyan rin kami ng mga takdang aralin ng aming guro. Yun po lamang, hanggang sa muli.
                                         
                                                      Nagmamahal na kaibigan,
                                                      Christian Hil Roxas Arlante

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento